Ad Code

National ID Photo Ng Isang Netizen, Naging Wacky

Natawa nalamang ang netizen na si Jun Rey Glodove Baring, sa kanyang National ID matapos niya itong makuha makalipas ng ilang linggong paghihintay.

Ayon sa netizen na si Jun, Saktong nakapikit umano siya habang inaayos ang kanyang labi nang bigla nalamang mang-picture ang taga-PhilSys na umaasikaso sa kanyang ID.

Maraming tao rin ang naghihintay sa mga oras na iyon kung kaya't hindi na umano ipinaulit sa kanya ang nasabing pagkuha ng larawan para sa kanyang National ID.
Inabisuhan nalamang siya na hintayin ang kanyang ID matapos iyang makuhanan ng larawan. Ngunit laking gulat ng netizen na si Jun nang makita na ang kanyang National ID na imbis na seryosong mukha ang kanyang makikita ay naka Wacky face ito.

Hindi tuloy malamang ng netizen kung ano ang kanyang magiging reaksyon, kung kaya't ibinahagi niya ito sa kanyang social media upang ipagbigay alam sa kinauukulan na ganito ang kanyang National Id.

Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa maraming netizen. Sa kanilang komento ay kanilang sinabi "Tamad lng nag picture sa knya! Pwede nman ulitin yun e nung makita na ganyan itchura ni kuya! Tsktsk! Hays!"


"yong ako. Tiningnan ko talaga Ang output. Hindi biro ang kunan Kang panghabang Buhay na ID.. kailangan maganda sa maganda ka . Pinalapit ko talaga gamit nilang ringlinght"

Pumukaw naman ito sa atensyon ng National ID at sinabihan ang netizen na Jun na maghintay nalamang sa tawag ng Philippine Identification System kung papalitan ang kanyang ID.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento