Ad Code

Pinay Nanny sa Canada, Binansagang "Hero Nanny" Matapos iligtas ang buhay ng 2 alaga

Maraming kababayan natin ang nakikipag sapalaran patungo sa ibang bansa, upang sa gayon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanikanilang mga pamilya na niwan sa bansang silangan.

Isa narito si Jillian Mendoza, na nakipag sapalaran sa bansang Canada bilang isang care giver, sa kanyang pananatili dito ay naging maganda naman ang pakikitungo sa kanya ng kanyang amo.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasangkot ang ang OFW sa isang insidente matapos kasi nitong iligtas ang kanyang dalawang batang inaalagan.

Nag tamo ng B0ne Fractur3 at head injur!es si Jillian matapos itong mabund0l ng sasakyan habang tulak tulak nito ang stroller ng kanyang dalawang alagang edad 2 at 5.
Bago pa man tamaan ng nasabing sasakyan ay mabilis na naitulak papalayo ng OFW ang stroller kung kaya't tanging siya lamang ang nagtamo ng pinsala.

Ayon sa ulat ng Pulisya isang 82-years old na lalaki ang sinusubukang i-park ang kanyang sasakyang SUV nang bigla itong mawalan ng kontrol

Sakto namang nasa harapang daanan si Jillian Mendoza, habang dala nito ang kanyang mga alaga.

"From witness accounts we're getting so far, she actually sounds like she's a hero. She possibly pushed this stroller out of the way of the vehicle. When officers arrived on scene, the stroller was actually partially pinned between the vehicle and the wall," sabi ni Toronto police Duty Insp. Michael Williams.
Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang bata. Kwento ng kaibigan ni Jillian na si Cheryl Catricala, pauwi na raw ang mga ito upang mananghalian ng mangyari ang insidente.

"I thank God the kids are okay and Jillian is fine and we pray for her," sabi ni Cheryl.

"When I got home I heard in the news and I tried to call her and she would not answer...that's when I knew it was her who got hit by the car," dagdag nito.
Ayon naman sa isa pang kaibigan ni Jillian na si Raychel Buebos, hindi nila akalaing makakaligtas pa ang kaibigan sa natamong pinsala kaya naman laking pasasalamat nilang patuloy na itong nagpapagaling.

"She's doing fine, she's recovering well, her boyfriend is beside her taking care of her," pahayag ni Raychel.

Isa namang GoFundMe page ang ginawa upang matulungan si Jillian. Ayon sa organizer na si Anne Manuel, si Jillian ay isang single mother at ang tanging bumubuhay sa kanyang pamilya.

Sa ngayon ay umabot na sa $165,000 ang donations para kay Jillian. Tatlong surgeries na rin ang pinagdaanan ng hero nanny.
"She is so brave. I told her about all the support she is getting from everyone. The love, kind words, prayers and financial support and she was so overwhelmed. She never expected it," sabi ni Anne.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento