Ad Code

Neri Naig, Proud na ibinahagi ang kanyang pagtatapos sa kursong Business Administration sa Univisersity of Baguio

Isa na naman ngang panibagong achievement ngayon ang ipinagmamalaking nakamit ng celebrity mom at entrepreneur na si Neri Naig.Kilala si Neri Naig hindi lang bilang isang aktres sa mundo ng showbiz, kundi mas nakilala siya ng publiko dahil sa kanyang pagiging isang madiskarte at wais na misis. Siya ay tunay na naging inspirasyon ng maraming mga kababaihan lalo na ng mga nanay na tulad niya dahil sa ipinamalas niyang diskarte lalo na pagdating sa pagnenegosyo at pagpupundar ng mga ari-arian.

Sa dami nga ng mga ari-arian na naipundar ni Neri ay hindi maiatatanggi na isa na nga siyang matagumpay na negosyante ngayon, ngunit sa kabila nga ng pagiging isa na niyang matagumpay pagdating sa pagnenegosyo ay pinili pa rin niyang mag-aral at kumuha ng kurso na patungkol sa pagnenegosyo at kamakailan nga lamang ay proud niyang ibinahagi sa kanyang social media account ang naging matagumpay niyang pagtatapos.
Kamakailan nga lamang ay proud na ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram account ang naging matagumpay niyang pagtatapos ng kursong Business Administration sa University of Baguio. Makikita nga sa IG post ng 36-taong gulang na aktres at entrepreneur mom ang napakagandang ngiti sa kanyang mga labi habang siya ay nakasuot ng togang itim. Mapapansin din sa nasabing larawan na photobomber pa nga niya ang mister niyang si Chito Miranda na proud din sa nakamit niyang tagumpay.
"Finally,” ang caption ni Neri sa IG post niyang ito. May Hashtag pa nga na nakalakip dito na #ETEEAPStudent, #BusinessAdministration #UniversityofBaguio.

Sa comment section naman ng post na ito ni Neri ay makikita ang komento ng kanyang mister na si Chito na binati nga siya ng congratulation.
“Congrats, Ms. Neri!!!”, komento ni Chito.

Kahit nga isa ng matagumpay na negosyante si Neri ay pinili pa rin niya ang mag-aral at makamit ang diploma na batid niyang makakatulong sa kanya na mas lumawak at madagdagan pa ang kanyang kaalaman pagdating sa pagnenegosyo. Pinatunayan din niya na kahit siya nga ay 36-taong gulang na ay hindi naman ito hadlang upang makapag-aral siyang muli at makapagtapos ng kurso sa kolehiyo.
Ipinanganak noong ika-7 ng Setyembre taong 1985 sa Lungsod ng Quezon si Neri Miranda. Siya ay kilalang aktres at negosyante. Ang kanyang asawa ay ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at sila ay mayroon na ngang mga anak na sina Pia, Miggy at Cash.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento