Ad Code

Anak ng Construction Worker, Nagtapos Bilang Magna Cum laude



“Hindi hadlang ang kahirapan upang makapagtapos ng pag-aaral.” Ito ang naging misyon sa buhay ng isang ama na construction worker na si Ronaldo Dayrit. Nito lamang Agosto 17, 2022 ay napagtapos niya ang kanyang anak na 22 taong gulang na si Venuz Yaon Dayrit, sa kursong Bachelor of Culture and Arts Education bilang Magna Cum Laude sa Phillipine Normal University.



Si Venuz ay ipinanganak noong Sept. 25 1999. Lumaki at nagkaisip sa Kalye Tramo ng bayan na ito. Elementarya pa lamang siya noon sa Bagbag II Elementary School ay nakitaan na ito na kakaibang husay sa pag-aaral. Hanggang magsekondarya siya sa Bagbag Natl High School ay napapasama na siya sa mga top students.


“Maraming pagsubok ang dumating sa buhay namin pero hindi namin ito sinukuan. Basta lagi lang kaming nananalangin sa Panginoon. May awa ang Diyos at mairaraos din naman ang lahat ng problema”, kwento ng amang si Ronaldo.



“Naaalala ko pa noon. Inihahatid ko si Venuz sa kanto ng Greenfield kapag papasok siya sa eskwela gamit ang de-pikang bisikleta. At kapag ginagabi siya ng uwi ay sinusundo ko naman siya sa Noveleta, dun sa may Jolibee gamit din ang aking bisikleta. Paulit-ulit lang”, dagdag pa ni Tatay Ronaldo.



Si Venuz ay bunso sa 2 anak ni Ronaldo ay nangangarap na maging guro balang-araw.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento