Ad Code

Kinatakutan na white lady sa Davao, supot lang pala

Kinalibutan ang isang netizen na si Warren Labadan habang binabaybay ang kahabaan ng highway sa Puan Davao City Biyernes ng gabi.

Ayon sa Motoristang si Warren, pasado alas 10:00PM ng gabi at papauwi na sana siya nang makasalubong niya ang isang white lady na lumulutang umano sa gitna ng kalsada sa bypass road ng Reldo Village.
Sa gulat ng netizen ay halos mawala umano siya sa kanyang ulirat na parang humiwalay ang kanyang katawan sa takot at nerbyos dahil sa kanyang nasaksihan

Sa mga oras ding iyon ay walang dumadaan sa kahabaan ng highway at tanging siya lamang ang taong dumadaan sa nasabing kalsada.
Kung kaya't halos mag doble kaba ang kanyang naramdaman, nang mahimasmasan ay naglakas loob umano siyang lapitan at tignan kung ito ba'y tunay na white lady at laking gulat nya ng malapitan ito

Bitbit ang kanyang cellphone ay inilawan niya ito ng malapitan at na diskubre na isa lamang pala itong malaking plastic na sumabit sa kable ng kuryente napag-alamang nilagyan pala ng cellophane ng di nakikilalang residente ang kable ng kuryente na nakabitin sa gitna ng kalsada upang mag silbing babala sa mga taong dadaan sa nasabing kalsada.
Dalawa na kasing motorista ang naaksidente sa nasabing daan dahil sa napabayaang kable. Panawagan niya sa may-ari ng kable na ayusin ito dahil lalo pang delikado at nagdudulot ng takot ang ang ginawa ng ilang residente na lagyan ito ng cellophane.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento