Ad Code

Lolo hindi pinapasok ng car company, sa kabila bumili ng kotse, cash!

Bumabase ka ba sa itsura? Ito ang nangyari sa isang retiradong teacher na hindi umano pinapasok ng isang car company sa Davao City.
 
Viral ngayon sa social media ang post ni Love Dorego na nangyari kay Lolo Manuel na gusto sanang tumingin ng kotse sa isang car showroom ngunit sa entrance palang hinarang na ito.
 
Sa panahon na yon may mantsa ang damit ng lolo, may butas ang sapatos at marumi ang mask.
Naisipan umano ni lolo Manuel na sa kabilang car company nalang ito pumunta at doon maghanap ng mabibiling kotse.
Agad umano itong inasikaso ng mga staff hanggang nakapili ng gusto niyang kotse at nangako na babalikan niya ito para bayaran.
 
Takot umanong magdala ng cash si lolo Manuel lalo na at nag-commute lang ito sa jeep.
Kinaumagahan ay agad binalikan ng lolo ang kotse at binayaran ng cash, buong-buo at hindi nagtira ng kahit anong utang.

"Actually, kung sino pa yung magaganda ayos, yun pa mga walang pera at puro utang"-Netizen

"Kaya wag tayong mapanghusga sa kng sino at ano hitsura ng taong nakasasalamuha natin, sa panahon, d namn lahat karamihan ng binabase sa pnlabas na anyo ang respeto sa tao, sad to know but its real,,"-Jasmine

"Hehe wag kasi muna husgahan ang isang tao ang tunay na mayaman hindi pormang pang mayaman ang feeling mayaman pormang pangmayaman hehe"-Carlo

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento