Ad Code

Isang magsasaka, P10 nalang kada kilo binenta ang carrots ng dahil walang bumibili

Umani ng maraming komento ang kaniyang Facebook post at laking tuwa niya dahil nabili naman ang halos isang toneladang carrots.

Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Leonora Javonillo, dalawang araw nang nasa bagsakan ng gulay ang magsasaka mula Kibungan pero wala aniyang bumibili kaya binalak na lang itong ibigay ng magsasaka sa kaniya.

"Naawa ako, sabi ko i-post na lang natin [online] para kahit papaano eh may panggasolina man lang sila," sabi ni Javonilla, isang guro.

Ayon sa League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Areas, matumal ang bilihan ng carrots. Isa sa matagal nang problema ng mga magsasaka sa Benguet ang smuggled na gulay na lubhang nakaaapekto sa kanilang mga produkto
"Sa pag-iikot namin ngayong gabi, may nakita kaming mga imported na mga carrots at broccoli. Hindi naman siya ganun karami, pero may nakita kami pailan-ilan, sa mga gilid gilid na nakatago kaya ito yung kinumpiska namin. Kinuha namin para at least matulungan 'yung ating mga magsasaka," aniya.

Mas kaunti na umano ang ibinebentang smuggled na gulay ngayon sa mga lokal na pamilihan ngunit aminado silang hindi pa rin naiiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga ilegal na produkto.

"Mayroon tayong ginagawa sa ating mga pantalan, ito po yung pag-iinspeksyon ng agricuktural products bago lumabas ng pantalan, pero po minsan may nakakalusot talaga kasi sa sobrang dami," ani Mil.

Ayon naman sa DA, malaki ang epekto ng mga smuggled na gulay sa mga magsasaka dahil hindi ang mga ito makasabay sa presyo ng mga imported na gulay na mas murang nabibili sa mga palengke.

"Kino-compete nila ang presyo ng ating local market kaya nagrereklamo 'ung ating mga farmer sa Benguet," ani Serapio Garabiles Jr. ng Sub-Task Group on Economic Intelligence na pinamumunuan ng DA.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento