Ad Code

Delivery Truck tumagilid sa kalsada, Mga tao di mag kadamayaw sa pagkuha ng mga case case ng alak

Napakamot nalamang sa ulo ang driver ng pulang delivery truck ng alak maging ang pahinante nito matapos kasing mawala sa balanse ang kanilang truck habang sila'y papaliko sa zigzag road ng Antipolo.
Imbis na tulungan sila ng mga residente at mga motoristang duma-daan sa lugar ay nag sikanya-kanyang kuha ang mga ito na para bang pyesta sa lugar.
Hindi na nagawa pang awitin ng driver ang mga residente at motorista na nagsikanya-kanyang kuha na ng mga case case ng mga alak.

Aniya pa ng driver sinubukan niyang humingi ng tulong sa mga tao upang sila'y matulungan na maisalba pa ang mga alak na hindi nabasag sa pagkakahulog nito.

Ngunit sa halip na tulungan ay nag sikanya-kanyang hakot ang mga residente maging ang mga motoristang dumaan sa lugar ay nakihakot narin
Wala nang nagawa pa ang driver dahil sa nangyari marami ang nabasag at nahulog sa nasabing truck ngunit dahil sa dami ng kinuhang alak ng mga tao sa nasabing lugar, ay halos walang natira sa truck tanging mga basyo nalamang at mga basag ang natira.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento