Ad Code

Amang naghahanap buhay binayaran ng pekeng pera ng kanyang pasahero

Hindi napigilang maghinaing ng isang ama na si Danilo Balodong sa kanyang social media matapos kasi itong mabayaran ng kanyang pasahero ng pekeng P1,000. Sa halip kasi na kumita ay naloko pa siya ng kanyang pasaherong sumakay sa kanya.


Saad ni Tatay Danilo sa kanyang social media account "Hindi k na naawa.kung cino k man na nagbayad ng pekeng 1k.sumakay ka dito sa tapat ng jollibee bagong barrio"
"Matino akong naghahanapbuhay.marami akong gamot na maintenance para sa sakit sa puso.diabetis.highblood.isang kahig isang tuka lng akong taxi driver da hirap ng byahe ngayon ganito pa gagawin mo ang magbayad ng peke"
Dahil sa kanyang post ay umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa maraming netizen at hindi napigilan na mag komento patungkol dito

"Ok lng yan manong driver ipasadios m nlng lahat yan sya na bahala sa lahat. God bless po"

"Kaka awa kanaman .marami po ang ganyang tao hayahan nyo po nakikita po ng Dios ang mga nangyayari ibabalik po nya ang nawala ninyo msnalig lang po tayo"


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento