Ad Code

5-Taong gulang na bata, Tumatayo na bilang Ina sa kanyang maliliit pang mga kapatid

Sa isang maliit na kubong ito sa Calinan Disctrict sa Davao City, nakatira ang batang si Alyssa sa mura kasi niyang edad siya na ang nakatokang magluto ng aalmusalin nilang tinolang isda hirap man sa kaniyang ginagawa ay tila nakasanayan na niya ang mga ganitong gawain

Saad ng batang si Alyssa "Lagyan ko ng sabaw dahil si lola gusto niya ng sabaw" sa murang edad ay halos siya na ang gumagawa ng mga gawain na dapat  ay ginagawa ng isang matanda. ngunit dahil  sa walang ibang aasahan sa kanilang munting tahanan ay si alyssa nalamang ang gumagawa ng lahat ng ito

Siya rin ang nagsisilbing mga mata ng kaniyang lola na may edad na 60-years old na isang bulag, Bagaman hindi ito nakakakita ay siya na ang tumayong ina ng batang si Alyssa at siya narin ang nagpalaki dito

"Isang buwan pa lang siya ako na ang nag-aalaga sa kanya wala kasing ibang magbabantay ang aking isipan parang nakakakita narin ako -Lola Elsa Pantorilla Kasamang naninirahan nina Lola Elsa sa munti nilang kubo ang dalawa pang kapatid ni Alyssa.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento