Ad Code

Lalaking namalo ng baseball bat, sa matandang 66-years old humingi na nang paumanhin

Humingi ng paumanhin at dispensa ang lalaking napanuod sa viral video na kung saang walang ano-anu'y hinampas niya ng baseball bat ang isang 66-anyos na matanda.

Kinilala ang lalaking si Gerson Dave Gonzales 23-anyos isang "Fitness Instrutor" at ang matandang nakaalitan naman nito sa daan ay si Tatay Julian 66-anyos.

Base sa salay-say ng matadang si Tatay Julian ay nagkaroon lamang sila ng hindi pagkakaunawaan sa kalsada, na kung saa'y hindi pagkakaroon ng pagbibigayan sa daan.

Na humantong sa hindi inaasahang pangyayari, ganun paman ay humingi na umano ng paumanhin si Gerson Dave Gonzales sa nangyari at handang panagutan ang lahat ng gastusin at tulong financial upang mapabilis ang paggaling ng matanda sa kanyang natamong pinsala.

Sa pahayag ni Gerson Dave Gonzales sa kanyang social media "I'm sorry Tatay Julian, Patawarin mo Ako, Pasensya na po sa pangyayari at nadala lamang po ako ng emosyon ko, lubos kong pinagsisisihan ang aking nagawa. Ako na po ang bahala sa lahat ng gastusin ng pagpapagamot mo"







Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento