Ad Code

Lalaking humampas ng baseball bat, sa matandang motorista nagtatago na ngayon


Sa pambansang sumbungan ng bayan na Bitag ay isiniwalat ni Ben Tulfo ang mga aligasyon ni Gerson Dave Gonzales 23-anyos, Ang lalaking namalo ng baseball bat sa isang matandang lalaking kinilalang si Tatay Julian 66-anyos.
Pinabulaanan ni Ben Tulfo ang mga aligasyon ni Gerson Dave Gonzales na sila'y nagka-ayos na ni Tatay Julian at nagkabati na.

Sa pagiimbestiga pa Ben Tulfo ay napag alaman rin nito na mali ang address na ibinigay ni Gerson Dave Gonzales sa mga kapulisan nang bisitahin ito sa nasabing bahay.
Walang Gerson Dave Gonzales ang nakatira sa nasabing address at nang malaman kung nasaan ang tunay na bahay nito ay wala na umano ang nasabing suspek marahil ay nag tatago na ito.


Lininaw din ni Tatay Julian ang larawang kumakalat na nagkayakapan silang dalawa ni Gonzales, kaya lamang nya nagawa iyon dahil natatakot sya sa traumang idinulot nito sa kanya.

Ngunit hindi ibig sabihin nuon ay napatawad na niya ang suspek hindi rin totoong nakipag tulungan ito sa kanila na sasagutin ang Hospital Bill na danyos sa nagawa nito sa kanya.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento