Ad Code

Herlene Budol panakaw na humalik kay Alden Richards, Alden Mukhang di' ito nagustohan


Pinanggigilan ni Herlene "Hipon Girl" Budol si Alden Richards nang nakawan niya ito ng halik sa pisngi.


Sa sobrang kilig at excited ni Herlene na makita nang malapitan si Alden, napatili siya at panay ang lingkis sa Kapuso matinee idol.


Pagkahalik niya sa pisngi ni Alden, hihirit pa sana ng pangalawang stolen kiss si Herlene, pero waring napaiwas ang aktor. "Ahhhhh!!!" sigaw ni Herlene.
Yumakap na lang siya sa likod ni Alden. "Alden, my god!" hindi napigilang sambit ni Herlene.
Ibinahagi ni Herlene ang video sa kanyang TikTok nitong Linggo, April 3, 2022.


Sa caption nito sa kanyang Tiktok account "Parang Manika si alden walang lait pogi."


Makalipas ang ilang oras, nilinaw ni Herlene sa comments section ng kanyang TikTok na humingi siya ng sorry kay Alden. Sabi ng YouTuber-host (published as is): "Sorry po Sa mga nailang para Kay alden nag sorry po ako after at nag paalam din."

Nagkasama sina Herlene at Alden sa isang motorcade sa Nueva Ecija noong March 31, 2022.


Si Herlene ay self-confessed fan ng phenomenal teamup na AlDub o Yaya Dub at Alden Richards noon.


Ang kalahati ng AlDub na si Maine Mendoza ang gumanap na Yaya Dub sa sikat na "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 2015 to December 2016. "AlDub Nation 'to, 'Te," tukoy ni Herlene sa sarili.


Sinabi ito ni Herlene nang makapanayam niya si Angelica Yap, aka Pastillas Girl, sa kanyang vlog noong Marso 2022.
"Nabansagan akong Yaya Dub sa school kasi lagi ko ginagaya mga outfit pati galawan [ni Yaya Dub]," saad ni Herlene. "Buwisit na buwisit" pa raw siya kay Pastillas Girl na inilunsad naman sa It's Showtime, na karibal na programa ng Eat Bulaga!, noong panahong iyon.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento