Isinakripisyo ng isang aso ang kanyang sariling buhay, para lamang mailigtas ang kanyang amo mula sa pagkakakuryente nito sa livewire na hawak nito
Kwento ng netizen na nakaligtas sa insidente nag-aayos umano sila ng kanyang nakababatang kapatid para sa lamay ng kanilang ina nang bigla niyang mahawakan ang live wire ng kuryenteng nais nilang pagkabitan ng ilaw. Agad siyang nangisay at sumigaw ng tulong, sa pagkataranta ng kanyang kapatid ay hindi nito alam ang gagawin
Natatandaan niyang humiling siya na sana'y matulungan siyang makaalis mula sa kanyang pagkakahawak sa livewire
Walang anu-ano'y parang dininig ng langit ang kanyang dasal nang biglang dumating ang kanilang aso at mabilis na tumalon at kinagat ang livewire na hawak ng biktima Nakaligtas man sa kapahamakan ngunit ang naging kapalit naman ay ang buhay ng kanilang alagang aso, lubos kasi itong mapagmahal at lambing sa kanilang pamilya
Kung kaya't labis ang pasasalamat niya sa kanilang alagang aso dahil sa pagligtas nito sa kanyang sariling buhay
"Nagdasal ako na sana'y may magligtas sakin sa pagkakahawak ko sa livewire, Hindi ko aakalain na tatalon ang alaga kong aso at kakagatin yung wire para mailagtas ako"
0 Mga Komento