Si Lola ay namumulot lamang ng kaniyang makakain, at ang ulam na matitira ay itinatabi niya para pagkasyahin sa buong araw. Naghihintay lamang din siya ng pagkain na ibibigay sa kaniya ng kaniyang mga kalapit bahay.
Si Lola Lusing ay mag isa lamang sa buhay kung kaya naman sa kabila ng kaniyang edad ay wala siyang pagpipilian kundi ang magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw araw na buhay.
Kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing. Madami naman ang naantig at naawa sa kalagayan ng lola, Isa na rito si Ma'am Rona na mula sa Pasuquin, Ilocos Norte na agad na nag abot ng tulong para kay lola.
Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal nilang inabot ang kanilang tulong kay Lola na nagbigay ng napakalaking ngiti sa labi ng matanda. Marami din ang nagpaabot ng tulong kay lola at makikita sa larawan na napakaraming groceries at kagamitan ang natanggap ni lola mula sa mga taong may mabubuting loob.
0 Mga Komento