Viral ang video ng isang ama na sinusubukang aliwin ang kanyang anak na hindi nakapasa sa LET
Ang batang babae sa video, si Agnes Tuto, ay nakadapa sa mesa, umiiyak ang kanyang puso dahil sa hindi pagpasa sa board exam
Sa kabila ng kabiguan, hindi sumusuko si Agnes sa kanyang pangarap na maging isang guro
Naantig ang mga netizen sa pagkonsuwelo ng isang ama sa kaniyang anak na hindi pumasa sa Licensure
Examination for Teachers sa Carmen, Agusan del Norte.
Makikita sa video ni Suzette Pacon noong Marso 11 na umiiyak ang kaniyang bestfriend na si Agnes Tuto matapos malaman ang resulta ng board exam.
Ayon kay Agnes, naging emosyonal din ang kaniyang ama pero pinapatatag pa rin ang loob niya sa kabila ng kabiguan.
"Nagbigay siya ng mga advice sa akin na hindi mawalan ng pag-asa, na may next time pa.” Hindi naman susuko si Agnes sa kaniyang pangarap na maging isang guro.
0 Mga Komento