Ad Code

Magna Cum Laude si Nanay!



Isang batang ina si Jackilyn ngunit hindi sya huminto sa pagtupad sa kanyang pangarap na makapagtapos kahit pa ito ay may sarili ng pamilya, sa tulong ng mga mahal nya sa buhay ay nakapagtapos sya at ngayun ay Magna Cum Laude pa sa kursong Edukasyon.

"Ako po kauna-unahang magtatapos sa kolehiyo sa aming pamilya at may pa bonus pa pong pagiging MAGNA CUM LAUDE ko po.



"Student-mom po ako at may dalawa ng anak (isang 7 years old at isa pong 1 year old). 27 na po ako ngayon. Nahinto man po sa pag-aaral ay patuloy po akong nangarap hindi lang para sa akin kundi para rin po sa aking pamilya.

"Pinag-aral po ako ng asawa ko at sa tulong ng aking nanay na siyang nag-aalaga ng aking anak tuwing may pasok ay nakayanan po namin. 19 years old pa lang po ako ay ikinasal na ko dahil na buntis po ako sa panganay naming anak. Sa edad pong 19 ay grade 8 pa lang ako pero hindi po ako nahiya sa mga kaklase ko dahil gusto kong matupad ang aking mga pangarap.



"Consistent honor student po ako simula elementary hanggang ngayong college po. Kaya super happy po namin dahil sa wakas ay mayroon na pong magtatapos sa kolehiyo sa pamilya ng aking ina at aking ama. Wala pa po sa kanilang pamangkin, kapatid o anak man ang nakagraduate sa college. Kalimitan po ay hanggang elementarya lamang. Bonus na lang po na nakapaghigh school ang mga kabataan dito sa amin dahil po malayo ang paaralan at mahal ang pamasahe.



"Mabuti na lamang po ay naisip ng dating mayor ng aming bayan ng San Ildefonso na si Mayor Carla Galvez Tan na rito po aming barangay itayo ang High school kaya po nakapag-aral po kami.
"Sa wakas po ay mayroon ng Degree Holder sa pamilya Pahati-Mangahas at alam ko pong proud na proud ang aking mga magulang, asawa at dalawang anak. Salamat po nang marami. God bless po." kwento ni Jackilyn sa KAMI|KAMI

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento