Masakit isipin na sa kabila ng iyong pagsasakripisyo at pagtitiis sa ibang bansa ay ganito lamang ang iyong kahihitnan sa iyong pagtanda. na umaasang masusuklian ang iyong paghihirap dahil ibinuhos mo ito sa pagtulong sa iyong tinuring na pamilya.
Kayod kalabaw ang lalaking ito sa ibang bansa upang tulungan ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin upang patapusin sa pag-aaral, hindi na nagawa pang magkaroon ng sariling pamilya
Sa loob ng 20 years niyang pagta-trabaho bilang isang OFW ay tanging pagtulong nalamang sa kanyang mga kapatid ang kanyang inatupag, hanggang sa nagkaroon na ito ng kanya-kanyang mga pamilya ay patulog parin siyang sumuporta sa mga ito.
Hindi na namalayan pa na tumatanda na at unti-unti ng nanghihina ang pangangatawan hanggang sa nag desisyon siyang umuwi na nang pilipinas upang magpahinga na.
Dahil hindi nagkaroon ng sariling pamilya ay umuwi siya sa pamamahay ng kanyang mga kapatid, dala-dala ang naipong pera ay halos siya parin ang tumotutos sa pangangailangan sa araw-araw hindi naglaon ay naubos ang kanyang ipon.
Dito na umano nag-umpisa magbago ang pakikitungo ng kanyang mga kapatid, halos nagpaparinig na ang mga ito gayun din ang kanyang mga pamangkin na tinulungan makapag-aral at makapag tapos ay halos bumaba na ang tingin sa kanya.
Nakakarinig narin ang lalaki mula sa kanyang pamilya na siya'y pabigat na kung kaya't bago pa siya tuluyang maging pabigat ay umalis nalamang siya sa puder ng kanyang mga kapatid at namalaboy nalamang mag-isa.
Saad niya sa kanyang sarili mali man ang kanyang tinahak na landas at tanging pagtulong man ang kanyang ninais upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang mahal sa buhay.
Malaking pag-sisisi naman ang kanyang natutunan dahil sa kabila ng kanyang pagtulong ay ganito pa ang isinukli sa kanya.
Narito ang post:
10,20 years abroad. Pinag-aral ang kapatid,anak,pamangkin.
Nong umuwi sa pinas at mag for good na ay walang gaanong ipon.
Umasa sa anak,kapatid,pamangkin kasi sabi sila naman ang tutulong. Biglang nag asawa si anak,kapatid,pamangkin.Naiwan kang windang Kung saan kukunin ang araw araw na gastusin.
Sino ngayon ang kawawa?
Masaklap na katotohanan.
Wag ipagsawalang bahala.
Mag ipon
Mag plano
Mag siguro
Para hindi sapitin ang ganito...
Tandaan na di masama ang tumulong pero kilangan magtira parin para sa sarili para kahit papano may pera Kang maiuwi sa pinas. Di habang Panahon ay malakas pa ang iyong pangangatawan. Di habang buhay ay bata pa, habang tumatagal ay papunta tayo sa katandaan. Hihina ang ating pangangatawan Kaya mabuting gawin ay mahalin ang sarili. Habang bata pa at malakas ang pangangatawan ay mag Ipon at magpundar ng negosyo para kahit papano ay may nakaalalay sayo kahit wala kana sa abroad. Maging masinop at pahalagahan ang iyong sinasahod habang na sa abroad pa.
.
0 Mga Komento