Ad Code

Hinangaan ng maramiLola nakunan ng larawan habang nag darasal sa Footbridge

 

Sa oras ng problema at ano mang delubyong ating kinakaharap, isa lamang ang ating kinakapitan, ito ay ang ating Panginoon. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin naiibsan ang takot sa ating mga dibdib at ini asa na lamang sa kanya ang lahat.



Kung kaya’t sa oras ng mga pagsamba tayo ay nagbibigay ng oras upang makapunta sa mga simbahan at doon tayo ay nakikinig ng kanyang mga salita at bumubulong ng ating mga panalangin. Pero paano kung sarado ang mga simbahan dahil sa pandemyang ito? Ang iilan ay nananatili sa kanilang bahay na lamang at doon gumagawa ng mga pagsamba at pagdarasal.



Subalit naging viral at laman ng social media ang isang lola kung saan ay nagdasal na lamang sa footbridge.Dahil sa sarado ang mga simbahan, kahit sa daan ay naisip pa ring magdasal at magpasalamat ni lola.



Ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng Kobid-19, pinaaalalang huwag na munang magkaroon ng mga pagtitipon kahit pa ito’y pangrelihiyon.

Gayunpaman, may ilang hindi pa rin patinag sa kanilang pananampalataya at patuloy na lamang na nagdarasal kahit wala man sa simbahan.



Ibinahagi ni Rix The Seminarian ang larawan ni lola na kanya raw nadaanan na nagdarasal sa maliit na “Mahal na Birhen ng Piat.”

Dahil daw sa karamihan ng simbahan ay sarado ngayong mahigpit na ipinagbabawal ang malaking pagtitipon maging ang mga gawaing pang-relihiyon, nakuha na lamang magdasal ni lola kahit nasa daanan.

“Kahit sa lansangan ay hindi naging hadlang kay nanay na magdasal at magpasalamat. Mabuhay ka po, Nanay.”

Kaya naman labis na humanga si Rix sa lola na hindi nagpatinag sa dami ng mga ipinagbabawal na gawin at puntahan bilang pag-iingat pa rin sa Kobid-19

Maging ang mga netizens ay na-inspire sa larawan ng lola na nagsilbing paalala sa kanila na nararapat lamang na magdasal sa anumang pagkakataon.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento