Sadyang may mga taong mapanghusga at mahilig mamaliit ng kapwa lalo na kung ang trabaho mo ay hindi pang propesyunal.
Hindi nila naiisip na kahit anong uri ng trabaho mayroon ang isang tao basta marangal ay dapat ipagmalaki.
Ito ang ginawa ng isang Bachelor’s degree holder matapos siyang maliitin ng ibang tao dahil sa pagtitinda ng pagkain.
Sa kanyang Facebook post, ipinagtanggol ni Andrew Pineda ang kanyang sarili sa mga taong minamaliit siya.
“Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work,” yan umano ang mga naririnig ni Pineda sa ibang tao.
Aniya, walang nakakahiya sa pagtitinda lalo na kung ito ay hanap buhay ng iyong mga magulang.
Sa kasalukuyan kasi ay tumutulong si Pineda sa pagtitinda kasama ang kanyang nanay.
“Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hangga’t nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan.”
Gusto umano ni Pineda na ma-inspire ang mga kabataan. Aniya, masama magkumpara sa sitwasyon ng iba.
“Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay,” sabi niya.
Sa ngayon ay umabot na sa 17k reactions, 1.5k comments at 7.9k shares ang post ni Pineda.
Narito ang kanyang buong post:
“Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work.
“PANDEMIC” sa tingin niyo po ba ganun kadali maghanap ng work?
Opo tindero, kami mama ko taga tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hanggat nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga may silbi at sense tayo sa lipunan.
I just want to try insipire others especially mga kabataan to be educated enough about sa hindi nakakahiya ang pagtitinda at lalong lalo na sa hanap buhay ng ating magulang kaya iwasan mag inarte dapat maging madiskarte lamang tayo sa panahon ng kagipitan wag tayo magcomplain kung bakit ganito? ganyan? Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay.
Spread goodvibes Thank You”
Narito ang komento ng mga netizens:
0 Mga Komento