Ad Code

‘Sige ayaw niyong bumaba? Ako na lang bababa!’ Bus driver, nagtampo? Netizens, naaliw!



Wag ka na magalit sa amin, ‘wag kana mag-walk out’

Nagbigay aliw sa mga netizens ang litratong ibinahagi ng Facebook user na si Bea Bernal kung saan makikita ang isang bus driver na bumaba at ‘nag-emote’ sa gilid ng kaniyang minamanehong bus dahil siksikan na umano ang mga pasahero ngunit pinipilit pa rin ng ilang commuters na sumakay.

“Sa tingin niyo saan ako papasok para ipag-drive kayo?” reklamo umano ni Manong driver.



Ani Bernal, habang siya ay naghihintay ng masasakyan, nakita niya ang lagay ng mga pasahero sa bus, hindi umano niya alam kung anong mararamdaman niya ngunit dahil sa ginawa ni manong driver ay natawa na lamang ito.

Ani ng driver, “Sige ayaw niyong bumaba? Ako na lang bababa, kayo na lang magpatakbo nyan,”

“Manong, pasok kana!” ani ng isang natatawang pasahero.

“Bakit ganito sa Pinas puno pati upuan ko, sinampahan pa. Bahala kayo ma-late lahat.”

Dagdag pa ni Bernal, ipapakita umano niya ang mga litrato kay manong driver kung paano ito nag-emote emote sa susunod na makasakay siya ulit sa bus nito.

Umani naman ng kwelang hirit mula sa mga netizens ang naturang post:

“Dami kong tawa kay manong driver bei.. pati upuan nya inupuan.. ”

“Good vibes si Kuya driver.”

“Punong Puno kulang nalang sa bubong.”

“Sardinas yern hahahahaha.”

“Nagtampo siya ihh.”

“Dapat maging grateful dahil may work dba ate Donnalyn.” hirit ng isa

“Hahahahhaha LT yan beiy aH.,”

“My space pa Kasi sa upuan ni manong driver”

“Nagtampo siya ihh”

“Tapos nag tataka siguro yung mga tao sa likod bakit di pa umaalis.”



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento