Hindi man lahat nabiyayaan ng magandang buhay at hindi rin lahat pinalad magkaroon ng marangyang klase ng paghanapbuhay ngunit kahit gaano pa man kabigat at hirap ang dinaranas ng karamihan sa pang araw-araw na pakikipagbuno sa hamon ng buhay, lahat bumabangon, lahat kumikilos, lahat bitbit ang tapang at pag-asa para sa pamilya at mga anak.
Tulad nalang ng hindi paghinto sa pagbabanat ng buto magpa hanggang sa kanyang katandaan na si Lolo Jowie, 70-taong gulang na tanging sa pamamasura at pangangalakal lamang umaasa ng kahit kaunting kita para may maiuuwing pangkain at ulam sa pamilya.
Isa sa pinakamabiyayang araw kung maituturing ng matanda ang pagkakataong nararamdaman niyang hindi siya kailanman man pinababayaan ng Maykapal nang biglang ibinalik sa kanya ng doble doble ang malaking pabor mula sa kanyang taos pusong pagtulong sa isang Good Samaritan na si Shewin Lim, na nagpanggap humingi sa kanya ng pang-Gas.
Nadaanan ng kilalang mabuting negosyante na si Lim si Lolo Jowie sa lansangan dala-dala ang mga naipong mapapakinabangan at maibebentang mga basura at kalakal. Dito niya nasubok kung gaano kalaki ang puso ng matanda nang hindi ito nagdalawang isip tumulong at ibigay ang lahat ng natitirang barya nito para iabot sa kanya.
“Ito, may limang piso pa ako dito. Wala naman problema yun. May Diyos tayo,”
Naantig si Lim sa kabutihan ng matanda, na mas piniling itulong ang natirang barya sa bulsa kahit pa mahirap niyang kitain ang mga ito. Barya-barya man ngunit malaking halaga para sa kanila bawat piso.
“Minsan kasi may mga nagbibigay din naman sa akin,” mahinang sagot ni Lolo Jowie
“So kung ikaw binibigyan ka ng iba, so ikaw din nagbibigay. Domino effect no, ang galing ng Panginoon,”
Kumikita ang matanda sa kanyang maghapong pamamasura ng P150-P200 kada-araw. At minsan may mga nag aabot rin ng tulong sa kanya. Ngunit kahit paman sa liit ng kanyang kinikita sa maghapong pagpapagod ay minsan nabiktima rin siya ng mga magnanakaw.
“Kagabi natulog ako. Ninakaw yung bag ko. Bente pesos nalang kinuha pa. Importante yung mga ID ko.”
Mas lalo pang humanga si Lim dahil kahit pa ninakawan na ang matanda sa kayang maliit na kita, ay pinili niya paring tumulong sa iba. Kaya ginantihan niya rin ito ng kabutihan at doble-dobleng biyaya.
“Ninakawan na kana tapos binibigyan mo pa ako, ano ng matitira sayo? Baka mas kailangan mo to? May pambili ka pang pagkain?
Abot langit ang ngiti at pasasalamat ni Lolo Jowie sa malaking halagang bumalik sa kanya kapalit ng limang pisong itinulong niya.
“Kahit na mahirap kitain binigyan mo ako, so tutumbasan ko yun. Pag tumulong sa ka sa kapwa mo mas higit pa dun darating sayo,”
“Mag-iingat ka palagi Tay. Pagpalain ka ng Panginoon at wag kang tumigil maging mabuting tao.
0 Mga Komento