Isa sa mga naging tradisyon na nating mga Pinoy ay alagaan ang ating mga magulang kapag sila ay matanda na.
Kaya naman marami sa atin ang nagsusumikap sa pag-aaral upang sila ay makapagtapos o hindi naman kaya’y makapagtrabaho nang sa gayon ay matulungan nila ang kanilang mga magulang.
Ngunit sa kasamaang palad, may mga anak pa ring nagagawang talikuran at iwanan ang kanilang mga magulang kahit matanda na ang mga ito at hindi na makapagtrabaho para sa kanilang mga sarili.
Ito nga ang ginawa ng isang anak sa kanyang 84-anyos na ina kung saan hindi lamang niya ito inabandona kundi ay pinalayas pa niya sa sarili nito mismong bahay.
Inireklamo ng kanyang kapatid na si Dana Bautista ang nasabing anak sa Facebook page ni Sen. Raffy Tulfo kung saan ibinahagi nga niya ang umano’y hindi makatarungang pagpapalayas ng kanyang kapatid sa kanilang ina sa sarili nitong pamamahay matapos daw nitong makapangasawa ng isang “afam” o foreigner.
Kwento ni Dana, ang kanilang ina ang tunay na nagmamay-ari ng lupa at bahay na tinitirhan nito bago ito palayasin ng kanyang kapatid.
Gayunpaman, ipinalipat umano ng kanyang kapatid sa pangalan nito ang titulo ng lupa at bahay nang walang pahintulot sa kanilang ina matapos nitong makapangasawa ng foreigner.
Bukod dito, hindi pa raw nakuntento ang kanyang kapatid at lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya ay inangkin nito at hindi man lang sila binigyan ng parte.
Nag-aalala nga si Dana para sa kanilang ina dahil matanda na ito. Sa ngayon, sa kanila umano ito nakatira ngunit aminado naman siyang maging sila ay hirap din sa buhay. Habang ang kapatid nga niya ay nagpapakasasa sa yaman lalo na at nakapag-asawa ito ng foreigner.
Ang masaklap pa raw ay pinapaalis na rin sila ngayon ng kanyang kapatid sa lupang kinatatayuan ng kanilang bahay.
Kaya naman walang ibang naisip na paraan si Dana kundi humingi ng tulong sa kay Sen. Raffy upang maaksyunan na nga ang ginagawang panggigipit sa kanila ng kanyang kapatid.
Narito ang kabuuang post ni Dana sa Facebook page ni Sen. Raffy:
“Humihingi po kami ng tulong, ito ang aking nanay 84-years old na siya at may karamdaman. Dito siya sa akin nakatira ngayon, dahil pinalayas siya ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili niyang bahay at lupa. Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha pa rin at pinapalayas kami.
Pinatituluhan niya ang lupa ng aking nanay ng walang pahintulot ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili kong kapatid. Kami po ay idedemanda pa kapag hindi kami umalis.
Tulungan niyo po kami, ano po ba ang dapat naming gawin?!”
Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nakakaawang sitwasyon ngayon ina ni Dana.
0 Mga Komento