Ad Code

Isang Padyak Patungo sa Pangarap. Pedicab Driver, Nagtapos na Magna Cum Laude!

Photo credit to Jerson Entrampas Aboabo | Facebook

Minsan sa hirap ng buhay, tila pangarap na lamang sa iba ang makapag-aral ng kolehiyo, lalo na at hindi biro ang makapasok sa mga pangpublikong paaralan dahil sa mataas na pamantayan na inaatas nila.

Tulad na lamang ng ating bida sa istoryang ito na hindi nagpatalo sa hamon ng buhay kaya naman nagsumikap at nagpursige na matupad ang pangarap na makatapos ng pag-aaral kahit na igapang pa ang pangbayad ng kanyang matrikula.

Siya ay si Jerson Entrampas Aboabo, college graduate sa Iligan City, Lanao del Norte at nagtapos ng Magna Cum Laude sa Mindanao State University, Iligan Institute of Technology noong Hulyo 27.

Kwento ni Jerson, noong 2018 ay sumubok siyang kumuha ng System Admission and Scholarship Examination (SASE) sa kagustuhang makapag-aral ng kolehiyo. Ngunit hindi siya sinuwerteng makapasa rito.

Noong una ay bumaba raw ang tingin niya sa kanyang sarili at naisip niya na huwag nang mag-aral at magtrabaho na lamang pagkat nakaranas siyang malait, mabully at madiscriminate dahil sa mababang test result na nakuha niya sa SASE.

"Pagkatapos kong malaman na hindi ako nakapasa sa SASE, napakababa ng tingin ko sa sarili ko. Sinabi ko talaga na baka hindi para sa akin ang IIT, siguro "tanga" talaga ako, baka "magtatrabaho lang ako", and worst, "Hindi ako mag-aaral at mag-college". 65 lang ang nakuha ko sa SASE at sa panahong iyon, matindi ang mga pagtanggi, panghihina ng loob, pambu-bully, at diskriminasyon. Tinanggihan ako sa mga kursong pinasok ko para lang ma-waitlist. Nasiraan ako ng loob dahil hindi ako nakapasa sa taunang pagsusulit sa SASE. I was bullyed and discriminated just because of my SASE score. Pero ang galing ni Lord, binigyan niya talaga ako ng IIT, ang dream school ko. Isang araw, nasabi ko sa sarili ko na papasok ako sa kursong tumatanggap ng score ." kwento ni Jerson.




Ngunit ayon kay Jerson, kalaunan ay naging tulay ang karanasang iyon upang mas magpursige siya sa buhay kaya naman lahat ng sakripisyo, kabiguan at panghihina ng loob na dinanas niya ay ginawa niyang instrumento para magtagumpay.

"Hindi ako nakapasa sa SASE at ipinagmamalaki ko iyon. Proud in a sense na nakita ko ang lahat ng sakripisyo, pag-urong, kabiguan, kawalan ng katiyakan, at panghihina ng loob. Hindi ako nakapasa sa SASE pero nakita ko rin na holistically ang paglaki ko sa aking pananatili sa IIT." dagdag niya.

Ani Jerson, pinasok niya ang maraming trabaho upang mapagpatuloy ang pag-aaral at upang makatulong na din sa pamilya.

Naranasan niya raw magtinda ng tubig at milkbar sa kanyang paaralan. Magtutor at pinasukan ang pagwowork commission at higit sa lahat maging Padyak Driver. Noong una ay nahihiya raw siya sa hirap ng kanilang buhay. Nahirapan rin daw siyang mag-adjust sa online class dahil sa kawalan ng resources na kailangan rito.



"Nag-iipon lang ako ng tubig at binebenta ko ito ng 20 pesos kada balde. Nahihiya na ako pero habang tumatagal, narealize ko na wala ng dapat ikahiya dahil nakaraos ako ng high school at college. At oo, driver na ako simula noon at masasabi kong mahirap balansehin ang buhay akademiko, pagmamaneho at mula noon. Nahihiya din ako, pero napagtanto ko rin na walang dapat ikahiya hangga't walang natatapakan. Mahirap talaga ang buhay, pero nakarating ako sa finish line. Hindi madaling makaranas ng online class at para sa akin, ito ang panahon ng kahirapan, panahon ng kawalan ng katiyakan, panahon ng kahinaan. OO. Nahirapan akong mag-adjust sa online class, knowing that I don't have resources, like laptop, cellphone, and other things needed for online class. Sinubukan ko ring manghingi ng pera sa mga kaibigan at mag-post para sa Piso Para sa Laptop campaign para lang sa mga nakaligtas na semestre ng online class.", pahayag ni Jerson.

Dagdag pa niya, hindi niya kailanman malilimutan ang kanyang naging 'journey' sa kolehiyo. At malaki ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya.

"Ang apat na taon ko sa IIT ay tiyak na panahon ng aking buhay na hinding-hindi ko makakalimutan. Gumawa ng komisyon sa trabaho, tahimik na labanan, umiyak sa gabi dahil walang pera sa bulsa, magmaneho at mamulot ng mga damo para lang kumita. Ang puso ko ay puno ng pagkaalam na ang Panginoon ay kasama ko mula pa noong una. Gusto ko lang magpasalamat sa mga sumusunod na tao sa pagtulong sa akin sa isang paraan o iba pa upang magtagumpay sa buhay kolehiyo.", aniya.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento