nais ng bawat isa sa atin ay ang magkaroon ng kasangga at kasama sa buhay.
Hindi lamang ito parati tumutukoy sa isang tao, ngunit minsan ito ay pwede rin sa alagang as0.
Marami ang pinipiling mag alaga ng aso dahil ito ay nagsisilbing bantay ng ating mga bahay at ito rin ay nagiging parte ng ating mga buhay na kung tawagin ay “man’s bestfriend”.
Napakasarap nga naman sa pakiramdam na mayroon kang isang alaga na naghihintay sa iyong pag dating sa bahay o ‘di kaya, kapag ikaw ay lumabas, mayroon kang bantay.
Isa sa mga post ng isang netizen na si Krizzia Aurelio ang nagviral dahil makikita sa litrato na tinutulongan ng alagang aso ang kaniyang amo sa pagtulak ng whe3lchair nito.
Hindi alintana ng aso ang init at pagod para lamang tulongan ang amo nito at dahil sa post na ito, marami ang natuwa at naantig ang puso dahil sa pagmamahal ng aso sa kaniyang amo na mayroong kapansan@n
Hindi lamang ang aso maituturing na bantay ng tahanan o alaga, pero ito ay maituturing natin na kaibigan. Kaibigan na hindi tayo pababayaan sa mga oras na tayo ay nag-iisa.
Hindi man nila kayang magsalita, naipapakita parin nila sa atin ang kanilang pagmamahal.
Sa buhay, minsan ang ating tanging kailangan ay isang katuwang o kasama na kayang ipakita sa atin sa pamamagitan ng kanilang mga kilos o galaw ang kanilang pagmamahal, pagtitiwala, at pagiging matapat.
Ang kailangan lamang natin ay isang kaibigan na kayang punuan ng pagmamahal ang ating mapait na buhay
0 Mga Komento