Ad Code

1 Taong Gulang na Bata Bugb0g Sarado Ng Kaniyang Mga Magulang Nang Manghingi Ito Ng Gatas



Arestado ang mag live-in partner sa Compostela Town , Cebu, sa kasong “Frustrated Parricide in Relation to R.A. 7610 Child Abuse”, dahil sa walang awang pangbubugb0g ng mga ito sa kanilang isang (1) taong gulang na anak, sa ganap na alas onse (11 PM) ng gabi, nito lamang Biyernes, September 23, 2022.



Inaresto ng Compostela Police Station,Cebu Police Provincial Office sa pangunguna ng hepe na si PLT Andrew Rellanos, ang mag live in partner na ito. Kinilala ang mga suspek na sina William Valiente, 44 years old at Brigilda Dacua naninirahan sa Purok Nangka,Brgy Basak,Compostela Cebu.



Nasa impluwensiya raw ng ipinagbabawal na gamot ang dalawang ito, noong walang awa nilang pinag bubugb0g ang kanilang kaawa awang anak, ayon ito sa report ng mga pulis.

Isinumbong sila ng nakababatang kapatid ng suspek na lalaki sa mga pulis, sinabi nito na magkatulong daw ang mag asawa sa pang aabus0 sa kanilang maliit na anak.



Nanghihingi lamang daw ang bata sa mga ito ng gatas, ayon sa nakasaksing kamag anak, at dahil sa naistorbo sila nito, nagalit ang mga ito at nagawa nila ang kalagim lagim sa bata.



Nahuli si WilliamValiente sa Carbon Public Market nitong Lunes, September 26, 2022, kasunod din nito ang pagkahuli sa ina ng bata na si Brigilda Dacua, sa agresibo at tuloy tuloy na hot pursuit operation ng mga pulis.



Makikita naman sa ibang viral photo ni Valiente na nakaluhod ito sa imahe ni Birheng Maria sa Compostela Valley Police Station habang humihingi ng kapatawaran.



Nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek at nakatakdang isailalim sa operasyon ang kanilang anak dahil sa namumuong dugo sa ulo

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento