Ad Code

May kapansanan nagbigay inspirasyon, Nagtatrabaho bilang mekaniko upang makatulong sa pamilya



Kapag may gusto sa buhay, lalo na kapag ito ay para sa pamilya, walang makakapigil dito at walang kayang humadlang maski pa pisikal na kapansanan. Lahat nga ay kayang hamakin at tiisin para sa pamilya.



Katulad na lamang ng isang lalaki na ibinahagi ng Facebook Page na “No One Cares”. Ang lalaki ay nasa folding bed at may iniindang kapansanan. Siya ay naparalisa at hindi na makatayo o makaupo.



Kung iyong iisipin, napakahirap nga ng kanyang kalagayan at maaring wala na itong kayang gawin dahil sa napakalimitado ang kanyang pagkilos.



Ngunit sa mga larawan, kamangha-mangha talaga ang netizen na ito dahil sa kabila ng kanyang pisikal na limitasyon at kapansanan, sya ay makikitang nagtatrabaho bilang isang mekaniko na masipag na nagkukumpuni ng mga sira upang may income at makatulong sa kanyang pamilya.



“If you think your life is difficult, please look back at his life to see how difficult it is! But he does not give up work and dreams,” ayon sa post ng Facebook page. 



Ito ay isang paalala na hindi man madali ang buhay para sa atin, ngunit dapat pa rin tayong maging mapagpasalamat dahil may mas mahirap pang pinagdadaanan ang ibang tao, kagaya na lamang ng netizen na ito na paralisado ngunit kumakayod at lumalaban sa buhay para sa kanyang pamilya.



Maraming netizens ang humanga sa lalaki sa kanyang pagiging matatag, at masipag para sa kanyang mga mahal sa buhay. Pinuri din naman ng iba ang kanyang asawa na hindi umano nagsawang alagaan sya sa kanyang kalagayan at hindi rin sya nito iniwan o pinagpalit sa iba.



Isa itong napakalaking hamon sa kahit sinuman. Ang magkaroon ng kapansanan ay napakahirap lalo na kapag kulang sa pinansyal na kakayanan upang makapag-pagamot.



Kahanga-hanga ang mga taong hindi sumusuko sa buhay sa kabila ng mga malalaking unos na dumating sa buhay. Sana ay maging inspirasyon natin sila kapag tayo ay nahihirapan, na hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento