Ad Code

Kandidata ng Binibining Pilipinas na nagbihis Mama Mary



'Di hamak na nakuha ng isang kandidata ng Binibining Pilipinas, ang atensyon ng mga tagasubaybay ng kompetisyon pati na rin ang iba pang mga netizens sa social media.



Ito ay matapos niyang magbihis bilang si Virgin Mary o Mama Mary na kaagad namang inulan ng paghanga at batikos mula sa mga nakakita nito.



Ang imaheng ito na ibinahagi sa Facebook ng Official page ng Binibining Pilipinas ay mula sa pambato ng Borongan City, Eastern Samar na si Gabrielle Camille Basiano na kuha umano ni Raymond Saldana at Owen Reyes.



Heto ang naging caption ng patimpalak patungkol sa nasabing larawan,



"Revered for her humility and motherly love, the Virgin Mary is the ultimate symbol of a WOMAN!"



"An homage to Padul-Ong Festival, a mythical presentation that unfolds the story on how the image of the Virgin Mary was mysteriously transported from Portugal to Borongan, Eastern Samar, celebrated every September 8 of the year."



Tila hindi naman natuwa at tumaas ang kilay ng ilang mga netizens sa larawang ito ni Binibini 28, Gabrielle Camille.

Narito ang iilan sa kanilang mga komento:



"The costumes are very creatively done and colorful ...except that for a beauty pageant its becoming over the top sometimes..... the national costume is suppose to showcase the binibini in her beautiful local attire... hindi siya mascot nung nirerepresent niyang place or culture....I hope maybe next time the "national costume" portion would instead feature really wearable Filipinina attire using locally sourced materials and methods" - Michelene



"Pwede ba national costume na lang. Disrespectful kay Mama Mary pati ung immaculate heart nya ilalagay kung kanino kanino lang na hindi naman pure heart. Kahit na ba cya BB Pilipias. OMG what is happening to our religious faith." - Cynthia

"Andami nman nagmamagaling dito. The contestants are portraying the local culture of the city/town they’re representing. Yun lng dn ginagawa ni Ms. Borongan.

Mother Mary is their patron saint. People of Borongan revere the holy mother and this contestant is just showcasing their city’s faith and culture. St. Mary really is Borongan’s icon…kya wag po maxadong triggered porket iba ang culture nila sa inyo." - Maria

Bago ang mainit na usapan sa larawang ito ay nakita na rin na nagsuot ng holy-themed gown si Gabrielle Camille Basiano. Ito ay nang magdaos ang Binibining Pilipinas ng Santacruzan sa Araneta Center sa Cubao.

Nakaraang taon ay sumabak na rin si Gabrielle sa patimpalak, inuwi nito ang Best in Long Gown at nagwagi rin ng first runner-up sa kompetisyon.





Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento