Nanawagan ang isang guro sa mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak matapos mag-trending online ang isang edited na larawan niya, na naging dahilan din nang pang-iisulto sa isang guro.
Dismayado ang isang guro sa naging asal ng kanyang mga estudyante nang malaman niya na ipinost ang kanyang edited na larawan sa isang ”my day”, na nakakuha na umano nang maraming views at reaksyon.
Ito ay isinumbong sa kaniya ng isa sa niyang estudyante, at ibinahagi niya ang screenshots ng kaniyang pinaglaruang litrato.
“Yung nagdidiscuss ka. Ginawa mo ng maayos ang trabaho mo, tapos biglang may magsasabi sa’yo na estudyante mo na naka-my day ka na raw at ang dami ng views at react.” saad ng guro.
“Iba na talaga ang kabataan ngayon. Ang hirap unawain. Mabait ka naman sa klase nila. Wala kang binabastos o ipinahihiya pero ‘yan ang sukli sa akin ng isa sa kanila.”pagtatapos ng guro.
Sa isa pang post ng guro na si Sherwin San Miguel, nasasaktan siya sa ugaling ipinakita ng kaniyang mga mag-aaral. Hinimok naman niya ang mga magulang na sana ay disiplinahin nila ang kanilang mga anak.
“Sa mga magulang sana nakikita niyo to. Kaninang umaga, isa lng ang nagpasa ng assignment na ibinigay ko, isang linggo ang nakalipas. Sa isang section pito lng ang nagpasa. Bakit ganun? Yung sinabi nung teacher sa post “wala kang binabastos at ipinahihiya pero ito ang sukli sakin” ang sakit sakit makabasa nito bilang isang guro! Sana disiplinahin niyo ang mga anak nyo. Pakiusap .”
Suportado naman ng ibang mga guro ang kanilang kabaro na binastos sa social media ng mga estudyante nito. At ito rin ang kanilang panawagan sa mga magulang.
Umabot na sa mahigit limampung libo ang reaksyon at labingwalo ang share sa nasabing post ni sir Sherwin.
0 Mga Komento