Ad Code

Isang Ama, karga-karga ang 1-buwang gulang na anak habang naglalako matapos layasan ng asawa



Walang hindi kayang gawin lahat ng mga responsableng ama para sa kanilang mga anak. Kahit pa mag-isang tumatayo bilang Nanay at Tatay, kinakaya ang lahat pagsabayin mula sa paghahanapbuhay, pag-aalaga at pagpapalaki ng maayos sa mga anak.



Ganito mismo ang naabutang sitwasyon ni Cristina CabaƱero Birao habang naglilibot sa nasasakupan nitong lugar upang siguraduhin na ang lahat ay sumusunod sa mga panuntunan ipinapatupad ng kanilang Barangay.



Naaktuhan niya ang isang Ama na si Brian mula Brgy. Batasan Quezon City, karga-karga ang isang buwan pa lamang na anak habang inilalako ang kanyang mga paninda.



Imbes na sitahin at bigyan ng naturang violation ay nanaig ang awa ni Cristina sa mahirap na pinagdadaanan ng isang Ama magampanan lamang ang kanyang responsibilidad at maipadama ang kanyang pagmamahal sa kanyang sanggol na anak.



Hindi minsan umano tumigil sa paghahanapbuhay si Brian na lahat ay kanyang pinagsasabay-sabay gawin dahil kahit pa alam niyang delikado para sa kanila ang paglalabas-labas lalo na ng anak niya kailangan niyang kumayod para sa kanilang pang-araw-araw na pangkain at mga pangangailangan ng kanyang anak.



Marahil ayaw man niyang isama ang bagong silang na anak, ngunit wala siyang ibang mapag-iiwanan na pwedeng mag-alaga sa bata matapos silang iwanan ng Ina nito tangay ang isa pa nilang anak.



Humingi rin si Cristina ng kahit kaunting tulong para sa mag-ama upang mabigyan ito ng panimulang mapagkakakitaan para hanggat maari hindi na kailangan nilang lumabas kasama ang bata para maghanapbuhay.



Narito ang kabuoan ng kanyang post:

king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya.

nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay.


opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)

humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya…PLS..RESPECT my post po

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento