Ano ba ang PWD? Ang PWD ay nangangahulugang Persons With Disabilities. Maaaring pagkapanganak pa lamang ay PWD na sila at maaari ring dahil sa aksidënte. Sila ang may kakulangan sa pisikal na kaanyuan. Maaaring sila ay walang mga kamay at paa, bulag o walang pangdinig. Ngunit hindi ibigsabihin ng persons with disabilities ay wala ng kakayahang gawin ang mga bagay na nais nilang gawin.
Hindi ibigsabihin ng may pagkukulang sila sa kanilang kaanyuan ay magkukulang sila bilang isang mamamayan. Sa katunayan, ay kung sino pa ang may pisikal na kakulangan ay sila pa ang masisipag.
Pinatunayan ito ng isang lalaki na hindi hadlang ang kawalan ng mga kamay upang magtrabaho. Makikita sa larawan na isa siyang Jollibee crew na masipag na naglilinis ng pinagkainan ng customers kait pa wala siyang kamay.
Marami ang napahanga sa kasipagan ng lalaki at tila nakaramdam ng hiya para sa mga taong mahilig makreklamo sa gobyerno. Ayon sa isang netizen na si Jumel Felongco,
"Kakahiya sa mga nagrarally ng P10,000 Ayuda per month pero wala naman talaga ginagawa."
Sa problemng kinahaharåp ngayon ng bansa ay hindi maiiwasan ng marami sa atin ang panghinaan ng loob sa buhay. Ngunit hindi makakabangon ang bawat isa sa atin kung hindi sasamahan ng paggawa, pagsisikap, diskarte at pagkayod sa buhay.
Ang larawang ito ay isang inspirasyon sa marami. Nakakapagbukas din siya ng pag-asa sa mga tao hindi lamang sa tulad niyang PWD kung hindi maging sa mga taong pinaghihinaan ng loob sa buhay.
0 Mga Komento