Sa buhay ng tao, ay ias sa pinaka mahiråp ay walang makain na kadalasang nararanasan ng marami sa ating mga kababayan. Maswerte na sila kung makakakain sila ng isang beses sa isang araw. Kaya naman, mapalad pa rin tayo na sa pang araw-araw ay nakakaraos tayo at nakakakain ng tatlong beses. Ngunit, nakakalungkot isipin na may ilan sa atin ang nagsasayang ng pagkain.
Sa katunayan, ay may mga kababayan tayo na namumulot ng pagkain sa mga basurahan. Kung ang marami sa atin ay hindi ito masisikmurå, ngunit sa iba ay masarap ito at huhupa ang kalam ng kanilang mga sikmurå.
Kadalasan din ay nakakalimutan na nating magdasal bago kumain at kung minsan pa ay nauuna pa ang 'picture taking' bago kumain imbis na magpasalamat sa biyayang nasa ating harap. Kumakalat naman sa social media ang isang larawan ng batang lalaki na taimtim na nagdadasal.
Kung mapapansin ay mayroong pagkain sa harapan niya, at bago pa ito simulang kainin ay ipinagpasalamat niya muna ito sa Maykapal.
Nawa ay maging katulad tayo ng batang ito na sa tuwing bago tayo kumain ay huwag makakalimot na magpasalamat sa biyayang ipinagkakaloob sa atin.
0 Mga Komento