Ad Code

INSTANT MILLIONAIRE DAHIL SA REGALONG NATANGGAP SA KANILANG KASAL




Viral ngayon sa social media at napapa sana all nalang ang mga netizens matapos na maging instant millionaire ang dalawang mag-asawang ito, dahil sa mga regalong natanggap nila sa kanilang kasal mula sa kanilang pamilya at kamag anak.



Makikita sa mga larawan at sa kanilang ibinahagi na video, na sinuotan silang dalawa ng korona na gawa sa mga 500 pesos, at pagkahaba habang kapa na gawa naman sa mga 1,000 peso bill ang isinabit sa kanilang likod.



Nagmistulang mga hari at reyna ang bagong kasal na ito, dahil sa kanilang suot na korona at kapa.



Hindi naging madali ang buhay nila Joven Acosta at May Jean Acosta.



Bata pa lamang ay nagtatrabaho na siya sa kaniyang ate na mayroong junkshop P200 lamang daw ang kaniyang kinikita noon kada linggo, noong siya ay nasa highschool na ay nangarap siya na magkaroon ng sarili niyang negosyo, ang pagkakaroon ng sarili niyang junkshop na tulad ng kaniyang kapatid.



Nakikita raw niya sa kaniyang kapatid na maayos ang mga ito at nakakabili ng kabilang mga gusto, nakakabili rin daw ang mga ito ng bahay at lupa, kaya nais niya rin magkaroon ng sariling junkshop.



Pinag aralan niya kung paano papatakbuhin ang ganitong negosyo. Nang makaipon na siya ay nalaman ng kaniyang mga kapatid na gusto rin nito mag negosyo kaya tinulungan nila si Joven sa pagbibigay dagdag na puhunan, hanggang sa napalago na niya ito at nagkaroon na rin siya ng sariling mga pundar, tulad ng bahay, mga sasakyan, truck at nadagdagan ang kaniyang junk shop.



Dito na niya nakilala si May Jean, malapit ang pinagtatrabahuhan niya sa junkshop nila Joven , dating tauhan si May sa isang food stall at doon daw siya nagpapalit ng barya kapag naubusan sila.



Hanggang sa naging malapit na sila sa isa't isa at naging magkaibigan, di nga nagtagal ay nahulog na sila sa isa't isa.



Matapos ang 5 taong pagsasama ay nagpakasal na nga sila Joven at May Jean nitong June 28, pagdating na nga sa kanilang prosperity dance ay sunod sunod na ang nag paabot ng pera kila Joven at May Jean, una ang koronang gawa sa pera, sumunod ang isang lalaki na nagbukas ng maleta at inilabas ang isang mahabang kapa at isinuot kay May Jean, hindi rin nagpatalo ang ate ni Joven na si Juliet, ginawan rin nila ito ng kapa na gawa sa pera, humabol din ang kaniyang pamangkin na nag abot ng bouquet ng pera.



Umabot sa higit 1.2 milyong piso ang natanggap nila sa kanilang prosperity dance. At gagamitin daw nila ito sa pandagdag sa kanilang negosyo.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento