tatlong babae sa Albay ang may iba’t ibang kuwento, pero pare-parehong nagtagumpay na nakapagtapos sa junior high school kahit natigil sa pag-aaral noon.
Lahat sila ay natapos ang Grade 10 sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) sa Oas, Albay.
Hindi mapigilang maging proud ng guro nilang si Sarah Jane Robrigado, 27, dahil sa achievement ng tatlo niyang estudyante kaya't sunud-sunod ang post niya.
Si Teacher Sarah ay ALS teacher sa Busac Community Learning Center sa Oas, Albay.
LOLA ROSE, 67
Una na rito si Rosemarie Rañola, 67 anyos, na nahinto sa pag-aaral noong siya ay 13 anyos lamang.
Ibinahagi ni Teacher Sarah sa kanyang FB post ang kuwento ni Lola Rose, na kahit may mga anak at mga apo na ay hindi pinalampas ang pagkakataong muling makapag-aral nang makakita ng pagkakataon.
Aniya, “Hindi nakakahiya magsimula at magsumikap kahit ikaw ay senior citizen na at may edad na.
“At pangarap ko na talaga noon pa man ang maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa high school, ang makatapos at makakuha ng diploma.”
Pabor sa kanya ang ALS dahil flexible ang oras. Nagagampanan pa rin daw niya ang kanyang mga tungkulin bilang ina at lola.
Dagdag ni Lola Rose, “Kahit wala nang tatanggap na trabaho sa edad ko, ang mahalaga po mas lumawak at madagdagan pa ang aking kaalaman.”
Magagamit daw niya ang kanyang natutunan sa pagtuturo sa kanyang mga apo na kanyang inaalagaan.
Sa edad na 67, natapos si Rosemarie Rañola ang junior high school sa Albay.
Kuwento naman ni Teacher Sarah ukol kay Lola Rose, “Nakita ko talaga kay Lola Rose yung determinasyon niya na matuto.”
Kasalukuyang naka-enroll sa Saban National High School ang senior citizen, at kumukuha ng General Academic Strand sa Senior High School.
WILMA NAVARRO, 20
Sinubok din ng buhay si Wilma Navarro, 20, na maaagang namulat sa realidad ng buhay.
Ani Teacher Sarah sa PEP.ph, si Wilma ay dating working student. Namasukan siyang kasambahay sa mga kamag-anak.
Naging tagapag-alaga siya ng bata at tagalinis ng bahay habang isinasabay ang pag-aaral.
Pero napilitan siyang huminto sa pag-aaral nang mabuntis siya sa edad na 17, pero iniwan siya ng lalaking nakabuntis sa kanya.
May ibang nakilalang lalaki si Wilma at tinanggap siya nito nang buong-buo pati ang anak nito.
Sinuportahan din siya ng lalaki ang hangarin ni Wilma na ipagpatuloy ang pag-aaral at tuparin ang pangarap sa kanya ng lola na makapagsuot ng toga.
Wilma Navarro kasama si Teacher Sarah Jane Robrigado
Sabi ni Teacher Sarah, hindi na nagdalawang-isip si Wilma nang alukin siya ng guro na mag-enroll sa ALS.
Mapagsasabay kasi ni Wilma ang pag-aaral at pag-aalaga sa kanyang pamilya.
Pangarap daw ni Wilma na makapagtapos ng pag-aaral, “dahil pursigido itong magkaroon ng opurtunidad na makahanap ng magandang trabaho.”
LORRAINE CRISOSTOMO, 19
Kahirapan ang nag-udyok kay Lorraine Crisostomo na tumigil sa pag-aaral noon.
“Muling nabigyan ng pagkakataon na maipagpatuloy ang pag-aaral nang hikayatin ko itong mag-enroll sa ALS dahil libre ang pag-aaral dito,” ani Teacher Sarah.
Nakita raw ng guro na pursigido si Lorraine na makatapos ng pag-aaral para matulungan ang mga magulang.
“Nakatulong ang ALS sa kanya upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral na magsisilbing hakbang upang unti-unti nitong makamit ang pangarap na maging pulis,” pagbabahagi ni Teacher Sarah.
Ang ALS ay isang programa ng Department of Education na naglalayong mabigyan ng “practical option to the existing formal instruction for Filipino out-of-school children, youth, and adults
0 Mga Komento