Ang buhay estudaynte ay isa sa ating makaranasang yugto sa ating buhay, nariyang ang hirap at ginhawa, saya at lungkot, hindi rin mawawala ang kalokohan at mga bagong bagay na ating daldahin hanggang sa tayo tumanda. Mga kwentong hindi pighati at may halong kaligayahan na minsan lang natin mararanasan sa ating buhay.
Iba iba rina ng uri ng mag-aaral nariyan ang may karangyaan at may kahirapan kung saan mapapabilib kana lamang sa mga estudyanteng walang wala sa buhay ngunit pinipilit gawan ng paraan ang pag-aaral upang sa ganun balang araw ay matupad nila ang kanilang inaasam-asam na tagumpay sa buhay.
Nakakatuwang isipin sa bawat diskarte ng mag-aaral upang maipagpatuloy ang araw-araw na pagpasok sa paaralan ay hindi nito mga alintana. Simple at payak ang importante mairaos ang araw na lumipas at may maiuwing baon na aral mula sa paaralan.
Tulad na lamang ng isang tagpo na ibinahagi ng isang guro mula sa Trinidad, Bohol. Bagamat nakakaantig ang pangyayaring kanyang nasaksihan sa kabilang banda naman ay lubos siyang humahanga sa mga mag-aaral na kanyang natanaw.
Ang gurong si Barry Anthony Cajes mula sa Kauswagan National High School sa nasabing lugar ay hindi sinasadyang masaksihan ang dalawa sa kanyang mga estudyante na sina sina Ruel at Rayven, kapwang Grade 8 students at ang kapatid ni Ruel na si Reyjie, na isang Grade 9 student na kumakain sa likod ng paaralan.
Kwento ni teacher Barry; “After eating my lunch, I decide na maupo malapit sa may bintana, umaasang makasagap man lang ng signal,”
“To my surprise, ito ang aking nakita. Our students eating their lunch. Ang dalawa nag share ng food, they dont have much food, maraming rice, kaunti lang ang ulam.
“Doon ako medyo naantig sa part na ung ulam nila ay maliit na hotdog at gulay na nilagyan lamang ng harina. Pero kahit ganun pa man, nakitaan ko pa rin sila ng kasiyahan,”
Sa parteng pinagsasaluhan nila ang karampot na ulam ay siyang nagpaantig sa damdamin ni teacher Barry, sa totoo lang bihira kana makakakita ng mga ganitong kabataan na nagbibigayan ng baon kung sino ang mayroon at siyang pagsasaluhan.
Sa karampot na ulam para lamang may mailaman ang tiyan at higit sa lahat hindi mo sila nakitaan ng anumang lungkot bagkus puno ng saya habang sila ay salo-salong kumakain.
Dagdag pa ni teacher Barry; “Life may not be fair, most of the time others will say its unfair. Seing them enjoying their lunch, I said to myself; It’s us who is incharge of creating best memories, its us who will create our happiness and its a matter of how we deal with the situation,”
“Whatever the circumstances are, choose happiness over sadness, positivity over negativity. After all life is worth living,” Sa buhay ang importante ang maging masaya malayo sa sakit at palagian may ngiti sa labi, anuman ang ating pinagdadaanan huwag nating dagdagan ng lungkot bagkus palagian nating hanapan ito ng positibong pananaw sa buhay
0 Mga Komento