Ad Code

Misis ng isang Seaman kinuwestiyon ang 75K allotment; Hirap umanong pagkasyahin sa mga gastusin




Halos lahat ng mga bilihin na mga pangangailangan ng isang pamilya sa panahon ngayon ay nagsipagmahal na, mula sa mga basic commodities, bayarin ng mga konsumo sa loob ng isang bahay, edukasyon ng mga anak at iba pang mga gastusin. Sa mga bayaring ito, kailan at paano kaya magiging sapat ang maliit o malaking halaga ng pera para magkasya?



Nagviral ngayon ang tanong ng isang misis sa kung magkano at parehas lang ba ang natatanggap niyang salary allotment kung ikukumpara sa ibang misis na parehas niyang may asawang mataas na ang ranggo sa barko bilang isang seaman. 



Sa ipinost ng Seaman Bars, tila nahihirapan si Misis dito sa Pinas pagkasyahin ang natatanggap niyang 75K kada buwan mula sa sahod ng kanyang asawang nagtatrabaho sa barko at kasalukuyang 3rd officer ang ranggo.



Paliwanag ni misis lahat ng mga araw-araw na gastusin nila kasama ang dalawa nilang anak na kasalukuyang pinag-aaral pa, pati ang buwanang bayad sa bahay, hulugan ng sasakyan, at iba pang mga bills at bayarin ay doon niya kinukuha sa P75,000 malaki man umano pero sadyang hirap siyang budgetin.

"Kc hirap kc ako budgetin yang pera kc dyan ko lahat kinukuha lahat ng gastusin,"

Dito nag-ugat ang kanyang katanungan kung malaki naba para sa kanila bilang pamilya ang natatanggap buwan-buwan o may mas higit pang malaking halagang natatanggap ang ibang misis mula sa kanilang mga asawang seaman.

"Tanong ko lang ganito din ba nakukuha ng ibang wife, na 3rd officer ang husband,"



"Gusto ko lang naman malaman kung malaki ba para samin yang allotment o may mas malaki pa binibigay ung iba sa wife nila,"

Hati ang naging opinyon ng mga netizens tungkol sa itinatanong ni Misis. Ang iba ramdam ang pinagdaanan bilang isang misis at mga Ina na siyang halos taga-budget sa tahanan.

Marami naman ang nagsabing nasa kay misis ang problema dahil kung marunong siya magpahalaga sa kita at pagod ng kanyang asawa, maliit man yan o malaking halaga, napagkakasya depende na sa uri ng pamumuhay nila.

Narito ang kabuuan post:



Seaman at 3rd officer ung husband ko. And ang allotment ko nakukuha is P75,000. Bale dyan ko na lahat kukunin bayad sa sasakyan 20,000, Bayad sa bahay 12,000 bayad sa mga extra expenses ng mga anak bills.

Lahat po ng gastusin dyan n lahat. Bubudgetin ko na lang. meron ako 2, 1 senior high and 1 elem. Ako po ay housewife walang kasambahay. Hatid sundo mga bata sa school kaya kunsumo ko sa gas is 1k kada week.

Tanong ko lang ganito din ba nakukuha ng ibang wife, na 3rd officer ang husband. Kc hirap kc ako budgetin yang pera kc dyan ko lahat kinukuha lahat ng gastusin.

Hnd ko naman pinagyayabang yang allotment ko pero gusto ko lang naman malaman kung malaki ba para samin yang allotment o may mas malaki pa binibigay ung iba sa wife nila.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento