Mabilis na nag-viral sa social media ang larawan matandang tricycle driver na namamasada habang may hose o catherer sa kantang katawan.
Sa Facebook post ni Ka J. Cales, ibinahagi nito ang larawan ni tatay Godofredo Miralles habang nakasakay siya sa tricycle nito.
Makikita sa larawan ang nakasabit na hose sa baywang ni tatay papunta sa bulsa nito.
Ayon kay tatay Godofredo, mayroon umano siyang pr0state canc3r.
Aniya, walong buwan na umano siyang naka-catheter habang namamasada.
Nananawagan rin si tatay Godofredo na sana ay matulungan siya upang tuluyan na siyang gumaling.
Sa ngayon ay umabot na sa 11k reactions at 10k shares ang nasabing post.
Narito ang buong post ni Cales:
“Yan ang tricycle na nasakyan namin kanina galing Cathedral..mejo may edad na din ung driver kaya cguro mabagal ang takbo namin..pero bandang bonna's na kami napansin ko ung sa may baywang nia na may maliit na hose deritso sa may parang bulsa na malaki o something bag..narealize ko lang na may sakit pala xa..napansin ko din ang putla ni tatay driver..kawawa naman xa,,kelangan niang mamasada sa kabila ng nararamdaman nia..Godbless sau tay..wala man akong malaking maitutulong sana may taong ipadala si Lord sau na may malaking maitutulong..”
Samantala, sa Facebook page na Bandera News TV Philippines, sinabing lumapit din si tatay Godofredo kay Ka Jerald Gales ng Aksyon bandera para manawagan dahil gusto nitong maipagamot ang kanyang sakit sa prostate.
Sa mga nais magbigay ng tulong, ito ang GCash number para kay Tatay Godofredo: 09387865043
0 Mga Komento