Marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong at kasama na rito ang mag-ama na inabanduna ng kanilang ilaw ng tahanan nang sumama ito sa ibang lalaki.
Ayon sa ulat, hindi na umano nakapagtrabaho pa ang ama at naging dahilan para maging palabĂ´y silang mag-ama. Kasalukuyang nasa isang taon at pitong buwang gulang ang bata at nangangailangan ng tulong dahil wala rin sila kagamit-gamit.
Nais ng ama na kinilalang si Benjie Aranas na makauwi sila sa probinsiya ng Samar. Ang panawagang ito ay ibinahigi ng SIRBISU Channel sa kanilang facebook page. Narito ang kanilang post:
"3months old palang ang baby ni kuya benje aranas nung iwanan ng kanyang asawa sa kanilang kapitbahay, ayon sa kanya sumama daw sa kanilang kumpare si misis.kaya hindi,na nakapagtrabaho si kuya hanggang sa nagpalaboy laboy na sila sa kalye mula ng magumpisa ang pand3mic.
sa ngaun 1year 7months na po ang bata walang mga damit pati ang ama kung anu suot nila yun lang dahil nawala mga bag nilang dala nung nkatulog si kuya ..ang nais lang ni kuya benjie ngaun ay makauwe sa kanilang probinsya sa samar.
sana my makapansin na tulungan sila
pacensya kana kuya at sa baby mo eto lang magagawa ko para sa inyong dalawa.
kahit sa damit manlang ng anak mo natulungan kita ....
PARA po sa nais tumulong dito lang po sila sa edsa cubao.."
0 Mga Komento