Walang kasing sarap makakita ng mga pursigidong kabataan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ngunit kapantay din ng kasiyahan mula sa kanilang pagsisikap ay ang kirot sa puso dahil sa sobrang hirap ng buhay, marami sa kanila ang tinitiis nalang ang kawalan, habang binabaybay ang bawat araw bitbit ang pangarap na tagumpay balang araw.
Maraming mga puso ang nahabag at napaluha sa viral post ng isang guro na si Kenzy Goroy mula sa Abang Elementary School, Salumping Esperanza, Sultan Kudarat tungkol sa ipinakitang pagpapahalaga ng kanyang estudyante sa pag-aaral sa gitna ng kahirapan.
Nakita niyang mag-isang kumakain ang batang si Lycka at tanging dahon ng saging ang nagsilbing baunan nito ng kanin, lubos pa niyang kinaawan ang sitwasyon nang makita ang inuulam nito na isang sachet ng toyo na binubudbud niya lang sa kanin.
"Pauwi na Sana ako at nakita ko ANG ISA naming estudyante na dahon Ng saging ang pinangbalot Ng kanyang kanin at ISANG sachet Ng silver swan soy sauce ang pinang-ulam😢,"
Pangako naman ni Kenzy na bibilhan niya ang bata ng maayos na baunan dahil maging siya na isa na ngayong propesyonal, ay nararanasan noon ang parehong sitwasyon ng kanyang estudyante.
"Naranasan nyo rin ba ito noong nag-aaral pa kayo??😢😢😢 Parang isang adobong ulam na ito para sa akin nung Elementary days ko. Kaway kaway SA naka experience😢😢😢😢
Dagdag pa ng guro, na habang ang ibang bata ay nawawalan agad ng gana sa pag-aaral at puno ng reklamo sa mga magulang kapag hindi napagbigyan at nasunod sa mga gusto, lalo na kung walang baong pera. At ikinakahiya pa ang kanilang paghihirap.
"Ang ibang bata, maraming reklamo sa magulang kasi walang baong pera. 😢😢😢 Huwag ikahiya kahit nakabalot sa dahon ng saging ang kanin at toyo ang ulam. Ang mahalaga, nakapag-aral."
Tunay na inspirasyon ang ipinakitang pagpupursige ng estudyante kahit pa damang-dama ang paghihirap ng pamilya ay walang reklamo, bagkus lalo pang pinagsisikapan ang pag-aaral.
"Mahirap ang maging mahirap, pero mas mahirap Kung wala Tayong mga Pangarap."
"The Little Dreamer"❤️
Ayon pa kay Teacher Kenzy, bumuhos ang mga indibidwal na nakakita sa kanyang post ang nais tulungan ang estudyanteng si Lycka.
"Unexpected blessing talaga Kay baby girl. Gusto ng mga netizens na bilhin siya ng mga school supplies, baunan, mga damit, tsinelas, sapatos at iba pa. Thank you so much sa tulong po ninyo,"
Sa inupload na TikTok video ng guro, umabot na ito ng halos 500k views at 10k reactions.
Hinahangaan ng marami ang kakaibang pagsisikap at tiyaga na ipinakita ng bata hanggang sa makamit niyang mas matamis na tagumpay pagdating ng panahon.
"Sad reality is, hindi talaga parehas ang sitwasyon na kinalalagyan bawat tao. But hindi ibig sabihin na dahil sa kung ano man nararanasang sitwasyon, hindi na tayo magpatuloy sa pagsisikap - sa pag-aaral man o sa trabaho. Hindi bulag sa Diyos. He rewards those who hard and keep their faith. Patuloy lang sa pag-aaral, Palangga ha,"
0 Mga Komento