Iba-iba ang mga dahilan at kwento ng karamihan sa pagtalikod nila sa kanilang mga pangarap, para sa iba marahil dahil sa hikahos sa kailangang suportang pinansyal mula sa mga magulang.
Ang iba'y dahil maagang nakapag-asawa at nagkaroon na ng mga anak, kaya't imbes na ang pagtatapos ang aatupagin, iginugugol nalang ang lahat ng oras sa pamilya.
Walang makakahadlang sa kanyang kagustuhang matuto at makapagtapos, ito ang kahanga-hangang kwento na inupload ng isang mabuting Guro na si Tricia Anne Ureta Manlanat tungkol sa kanyang Grade-9 student mula Progreso Village National High School sa Barangay Vista Alegre, Bacolod City.
Dahil sa kabila umano ng pagiging ina nito, mahirap man ang sitwasyon ngunit para sa kanya maraming paraan ang pwede niyang gawin para lang hindi siya makaliban sa klase.
"I have a student na may baby na at an early age (who are we to judge). May class sila 10:30, 9:30 pa lang, pumunta na ang guard sa amin telling us na may grade 9 student daw na papasok pero may dalang bata. Baby pa talaga."
Kasa-kasama niya ang ilang buwan pa lamang na anak sa pagpasok sa paaralan.
Tunay na inspirasyon ang kanyang ipinakitang tapang at dedikasyon sa pag-abot ng pangarap, hindi lang para sa sarili, pati na sa kinabukasan ng kanyang anak.
"Sabi niya “Ayoko ko po Ma'am umabsent”.
"Dito mo talaga makita na dedicated talaga ang estudyante kahit pa ganyan ang sitwasyon niya. At makikita mo din na may will siya na i-continue ang pag-aaral niya for her abd her child's future,"
Umani rin ng mga positibong reaskyon ang kabutihang ipinamalas ni Manlanat at mga kasamahan nitong guro dahil hindi sila nag-atubiling alagaan ang sanggol para makapag-concentrate ang ina nito sa pag-aaral.
Ito'y patunay na hindi lang sila basta mga guro lamang, sila'y tunay na mga pangalawang magulang ng mga bata na katulad ng mga magulang, wala silang ibang hangad kundi ang kabutihan at ang kinabukasang kahaharapin ng kanilang mga estudyante.
Kamakailan lang, kaliwa't kanan na ang mga reklmao na natatanggap ng mga guro mula sa mga magulang tungkol sa usaping pagbibigay disiplina ng mga guro sa kanilang mga anak.
Narito ang kabuuang post ng guro:
Sa facebook ko lang to nakikita. I have a student na may baby na at an early age (who are we to judge).
May class sila 10:30, 9:30 pa lang, pumunta na ang guard sa amin telling us na may grade 9 student daw na papasok pero may dalang bata. Baby pa talaga.
I knew na kaagad kung sino na estudyante kasi nung nag activity kami na "Draw what you love" Baby niya ang iginuhit niya.
Nagdalawang isip ang ibang co-teacher ko na papasukin ang estudyante kasi baka daw makaka-istorbo. But ang sabi ko “we can’t refuse students to attend class dahil lang diyan.”
At sabi niya “hindi ko po Ma'am gusto mag-absent”. Lima kami na female teachers sa room so pwede namin salit-salitan sa pag-aalaga. But luckliy magpapa-reading lang kami today so pinauna nalang namin siya para maka-uwi na kaagad. Wala daw maiwang mag-aalaga sa bata dahil may lakad ang magulang niya.
Dito mo talaga makita na dedicated talaga ang estudyante kahit pa ganyan ang sitwasyon niya. At makikita mo din na may will siya na i-continue ang pag-aaral niya for her abd her child's future.
0 Mga Komento