Cash, Groceries at E-Bike Iniregalo sa Batang Magtataho Bumuhos ang biyaya sa batang nagviral kamakailan sa Tanza, Cavite, dahil sa pagtitinda niya ng taho bago pumasok sa eskwelahan. Siya si Gurprit Paris D Singh o mas kilala bilang “Gopi”.
Nang mapanood ng magkaibigang negosyante ang batang si Gopi, na masipag na nagtitinda ng taho, ay nais nila itong bigyan at ang kanyang pamilya ng maagang pamasko.
Ang mga mababait na negosyanteng ito ay sina Mike Ivander Presa at Renz Marlon Galloba Mateo ng JRP Thailand, personal nilang iniabot ang cash donations, groceries at bagong E-Bike na may sidecar sa estudyanteng magtataho.
Kamakailan nga ay nagtrending ang video ni Gopi na naglalako siya ng paninda suot ang kaniyang uniporme sa eskwelahan.
“Magagamit nya itong bagong E-bike sa pagtitinda nya ng taho. Hindi na siya mahihirapan pang magbuhat. Magagamit din niya ito pagpasok sa eskwela”, pagbabahagi ni Mike Ivander Presa.
“Itong cash donation magagamit nya sa pangangailangan nya sa mga gastusin sa bahay at eskwela. Itong grocery item naman para sa kanilang mag-ina. Sa maliit na paraan man lang ay makatulong kami kay Gopi. Isa siyang huwarang anak at estudyante”, pagsasalaysay ni Renz Mateo.
Bakas sa mukha ang sobrang kasiyahan ni Gopi, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya at sa mga patuloy na naniniwala sa kanya.
Ito ang kabuuang post ng FB page na TANZA CAVITE TRENDS :
CASH, GROCERY ITEMS AT BAGONG E-BIKE NA MAY SIDECAR, MAAGANG PAMASKO NG DALAWANG MAGKAIBIGANG NEGOSYANTE PARA SA ESTUDYANTENG NAGTITINDA NG TAHO
TANZA, CAVITE: Nagviral ang bidyo ng estudyanteng nagtitinda ng taho sa bayan na ito.
Matapos na mapanood ng dalawang magkaibigang negosyante na sina Mike Ivander Presa at Renz Marlon Galloba Mateo ng JRP Thailand ay agad binalak na mabigyan ng maagang pamasko ang naturang estudyante.
Personal na ibinigay ng magkaibigan ang Isang cash donation, grocery items at bagong E-bike with sidecar para maagang pamasko sa estudyanteng magtataho.
Kinilala ang magtataho na si Gurprit Paris D. Singh. Mas kilala sa palayaw na “Gopi”. Ipinanganak sa Cebu City noong Dec. 10, 2005. May lahing banyaga si Gopi. Pinay ang kanyang ina habang isang Indian National naman ang kanyang ama.
“Magagamit nya itong bagong E-bike sa pagtitinda nya ng taho. Hindi na siya mahihirapan pang magbuhat. Magagamit din niya ito pagpasok sa eskwela”, pagbabahagi ni Mike Ivander Presa.
2018 nang dumating sa Cavite ang pamilya ni Gopi. Silang dalawa na lang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay.
Kasalukuyang grade-11 si Gopi sa Tanza National Comprehensive – Senior High School at kumukuha ng kursong STEM.
“Itong cash donation magagamit nya sa pangangailangan nya sa mga gastusin sa bahay at eskwela. Itong grocery item naman para sa kanilang mag-ina. Sa maliit na paraan man lang ay makatulong kami kay Gopi. Isa siyang huwarang anak at estudyante”, pagsasalaysay ni Renz Mateo.
Madaling-araw pa lamang ay gising na si Gopi upang ihanda ang paninda niyang taho. Mismong ang kanyang ina ang nagluluto ng arnibal at sago na nilalahok sa malinamnam at mainit-init na paninda niyang taho.
Mula sa Brgy. Mulawin kung saan naninirahan ngayon si Gopi nagsisimula ang paglalako at paglalakad nito hanggang marating ang kanyang eskwelahan na umaabot ng isang kilometro at kalahati ang layo.
Habang nakasuot ng uniporme bilang estudyante ay pasan niya ang panindang taho. Hindi alintana ang init at masamang panahon. Makikiusap sa gwardiya ng eskwelahan na pansamantalang iiwan ang panindang taho habang nasa klase ito. At kapag breaktime at uwian na ay muli itong kukuhanin upang ilakong muli.
Umaabot ng halagang 400 piso hanggang 600 piso ang kinikita ni Gopi.
Kailanman ay hindi nahiya si Gopi sa kanyang ginagawa. “There is nothing to be ashamed of sa ginagawa ko. I am doing a honest job without harming anybody else. My parents, teacher, and classmates are very supportive”, pagmamalaki ni Gopi.
“Life is like a math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me”, dagdag pa ni Gopi.
Si Gopi ay nangangarap na maging isang Civil Engr balang araw.
0 Mga Komento