Napakahalaga sa bawat isa sa atin ang ating kapanganakan o kaarawan dahil dito natin maipagdiriwang o maipagpapasalamat ang lahat ng biyaya na ating natanggap sa nakalipas na taon ng ating buhay.
Ang ilan sa atin ay bongga o magarbo pa ang ginagawang celebrasyon tuwing sasapit ang kanilang kaawaran.
Mayroong iba’t ibang klase ng pagkain at inumin ang inihahanda upang maging masaya at espesyal ang araw ng taong nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Bukod sa mga ito, nakatatanggap rin sila ng mga regalo mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan.
Ngunit hindi lahat sa atin ay may kakayahang maghanda ng maraming pagkain o kahit simpleng handa man lang. Dahil sa hirap ng buhay ay itatabi na lamang nila ang kanilang pera para sa mas mahahalagang bagay.
Kahit na simple o walang handa, ang importante ay masaya parin tayo at kasama natin ang ating buong pamilya.
Katulad na lamang ng isang binatilyo na nagdaos ng kanyang kaarawan na tanging bahaw na kanin ang ginawang cake at sabaw lamang kanyang handa.
Sa isang video, makikita ang bahaw na kanin ng mayroong kandila sa itaas upang magmukha itong cake. Katabi nito ang isang kaldero na may lamang sabaw.
Wala mang kahit na ano mang handa ang pamilya ng binatilyo ay masaya parin silang nagtatawanan at kumakanta ng happy birthday.
Maririnig din na nag-wish muna ang binatilyo bago nito hipan ang kandila sa itaas ng bahaw na kanin.
0 Mga Komento