Ad Code

1 month old na sangg0l na namataan na mag-isang natutulog sa ilalim ng tulay, agad na narespondehan matapos kumalat ang litrato nito



Mabilis na kumalat sa social media ang panghihingi ng saklolo ng isang concern netizen sa kanyang nakitang isang sangg0l na mag-isang natutulog sa ilalim ng tulay.



Sa Facebook post ng concern netizen na si Sonfferje Nazareth o Jefferson Nazareno, kanya raw nadaanan ang isang sangg0l habang siya ay naglalakad upang magpa-xerox ng mga dokumento para sa isang surgery.



Wala raw kasama ang naturang sangg0l at makikita raw dito na mag-isa itong natutulog sa imburnal at ilalim ng tulay at mayroon lamang kapirasong balabal at karton sa tabi ito mismo ng Calamba Doctors Hospital.



Nangamba naman ang maraming netizen na maaaring mangyari sa sangg0l kung biglang bumuhos ang ulan ay baka raw tuluyang mapuno ang tubig sa ilalim ng tulay.

Dahil dito, mabilis na kumalat ang panawagan ni Jefferson sa social media at agad naman itong nirespondehan ng POSO Calamba kasama ang BPSO Parian at PNP.



Samantala, bukod sa sangg0l siyam na tao pa umano kasama ang isa pang bata ang naninirahan dito na tuluyang na-rescue ng mga rumespondeng grupo.

Naibalita rin na natagpuan ng grupo ang ina ng bata sa di kalayuan at iniwan daw nito ang kanyang anak upang magbenta ng sampaguita sa lugar upang may pangtustos sa kanyang anak.

Makikita din na ang sangg0l ay may diaper, sapin at unan na makikita na alaga pa din siya ng kanyang ina ngunit kinakailangan magtinda ng sampaguita ang ina para sa kanyang anak.



Ang sangg0l at ang ina nito ay tagumpay na nakuha ng DSWD at sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ito ng ahensya upang ma-alagan at matitignan ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Ang iba namang tao na kasama ng na rescue ay binigyan ng mga pagkain at f@cemask.

Ayon naman sa lokal na awtoridad tiniyak nila na sasarahan na ang naturang tulay at harangan ang daanan patungo rito upang hindi na ito tambayan ng mga taong gustong mamalagi dito.







Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento