Nito lamang ay inimunkahi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na bigyan ng “lump sum” na magbigay ng cash assistance ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's)
Kanyang inimungkahi na sa halip na monthly distribution ang pagbibigay ng tulong ay nararapat nalamang maibigay ng isang bigayan nalamang para kahit papaano ay magamit na agad nito ng mga benepisyaryo bilang kapital para sa maliliit na negosyo o kung ano man ang nais nilang gawin sa perang kanilang makukuha.
"Ang plano natin… kung pwede i-lump sum na lang sa isang tao, isang pamilya yung kaniyang 4Ps. Kasi ngayon po tumatanggap ata ng P1200 or P1400 per month. Bakit hindi na lang i-lump sum na for one year? Ito yung P12,000 to P14,000 i-negosyo mo," sabi ni Tulfo.
dag-dag pa ni Sec. Erwin Tulfo "Why not give it as a lump sum para magamit pang kabuhayan o dagdagan pa natin ng livelihood para mas malaki-laki. From P14,000 magiging P19,000 to P20,000 na po yan. Kaya matitigil na ang monthly at makatayo na sila sa sarili nilang mga paa,"
Gayunpaman ay hindi ito isinantabi bagkus ay pag-aaral muna ng mga eksperto at social worker at sasailalim din ito sa dry-run kung epektibo ang ganitong pamamaraan
Sasailalim din sa dry-run ang lahat ng barangay sa bansa bago ito isagawa kasalukuyang pinapalinis ang mga listahang kasapi ng 4P's alinsunod sa utos ng bagong upong Presidente na si Bong bong Marcos Jr.
Ang 4P's poverty alleviation program ng pamahalaan ay nagbibigay ng tulong financial cash grants para sa mga pamilyang naghihikahos sa buhay, malaking tulong din ito para mahihirap na labis na nanangangailangan.
0 Mga Komento