Panahon na para matignan ang listahan ng mga kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay inu-update na nila ang kanilang listahan para sa mga benepisyaryo na hindi na kwalipikado pang tumanggap ng ayuda.
Tinitiyak din na ang lahat ng hindi kwalipikadong benepisyaryo ay dapat ng alisin sa programa ipinag-uutos din ni Secretary, Erwin Tulfo ang pag-aalis sa mga benepisyaryo na ang mga anak ay nakatapos na ng pag-aaral
Sa madaling salita kung ang anak ng isang 4Ps member ay nakapag tapos na ng pag-aaral ay maari nang alisin sa 4Ps program at hindi na makakatanggap pa ng cash assistant.
Dag-dag pa ni Sec. Tulfo "Based on the records submitted to me by our division, the National Household Targeting System, we have identified 1.3 million families or household that are no longer considered poor"
Sinabi niya na ang "graduates" ng programa ay nagpakita na mayroon na silang mga paraan upang suportahan ang kanilang sarili, o ang kanilang mga anak ay nakapagtapos na sa paaralan.
Tinitingnan din ng DSWD na tangalin ang 600,000 pang benepisyaryo na tumatanggi sa pagsisikap ng ahensya na i-verify ang kanilang katayuan.
"This is a conditional cash transfer. Which means there are conditions before you get this grant," dagdag ni Sec Tulfo.
Ang 4Ps ay isang programa kontra kahirapan na nagbibigay ng pangangailangan sa mga mahihirap na sambahayan upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon, partikular na ng mga batang may edad 0 hanggang 14 na taon.
0 Mga Komento