Ad Code

Pinay Mula Sa Bicol Nag-imbento Ng Eco-Friendly Aircon At Sobrang Tipid Sa Kuryente

Pambihira ang naimbentong aircon ng isang Bicolana na si Angel Palma na tinawag niyang AirDisc. Bukod kasi sa eco-friendly ito, hindi pa masyadong makabubutas ng bulsa sa konsumo ng kuryente.

Sa video ng "Next Now," ibinahagi ni Palma na hindi nakasisira sa kalikasan ang AirDisc dahil sa hindi nito kailangan ang chemical refrigerant na ginagamit para mapalamig ng aircon ang paligid.

"Studies show na one kilo of said chemical refrigerant is equivalent to 20,000 of carbon diozide...20,000 kilos! That's very bad for our environment and our health," ani Palma.

Sa halip na kemikal na refrigerant, hangin at hamog ang gamit sa AirDisc para gumawa ng lamig.Sa pamamagitan lang umano ng 150 watts, kaya nang palamigin ng AirDisc ang isang kuwarto na may sukat na 25 sqm.
Pero gaya ng ibang matagumpay na imbensiyon, aksidente rin lang ang pagkakatuklas ni Palma sa kaniyang AirDisc dahil oven ang kaniyang unang nais gawin.

"I was working on another project, which was the AirWave Oven, so it's cooking equipment. So, basically kasi, 'yung principle-- basic principle ng AirDisc is, kapag mayro'n kang container of gas molecules tapos kinompres mo siya into half of its volume, 'yung temperature and pressure niya, nagdo-double," paliwanag niya.
"So, nagkakaroon ng heat talaga, parang it's not rocket science naman, 'yung principle niya na iinit talaga siya. So, 'yung init na iyon, ginamit ko siya for a cooking equipment," patuloy ni Palma.

Pero nang i-test niya ang AirWave, nadiskubre niya sa kaniyang ginagawa ang lumabas na lamig sa copper tube.

"At the end of the copper tube (parang naging expansion valve), mayroong lamig -- may malamig na lumalabas doon sa end ng copper tube and 'yung coldness niya, it was as cold as an aircon. So, parang sabi ko, 'Why not use this instead?,'" ayon kay Palma.
Paliwanag pa niya. "The cooling comes in kasi the heating part, 'yung hot air na nagawa mo from the compression, kapag tinanggal mo 'yung heat doon o 'yung hotness, equal siya sa coldness kasi coldness is the absence of heat. So, doon pumapasok 'yung coldness and with AirDisc."
Humakot ng mga parangal ang naturang imbensiyon ni Palma kabilang na ang prestihiyosong James Dyson Award. Kasama rin siya sa mga pinarangalan bilang The Outstanding Young Men 2021. Pero kailangan ng $3 milyon o mahigit P156 milyon pondo upang maitayo ang pabrika para sa paggawa ng AirDisc

Ang 20-year-old Pinay na si Maria Yzabell Angel Palma ng Naga City ay nakaimbento ng eco-friendly air conditioner noong siya ay Grade 10 student sa Philippine Science High School (PSHS) Bicol.

Ang disc-shaped compressor air conditioner ni Palma ay gumagamit ng low compression at pinapalitan ang high volume of air molecules bilang refrigerant.

Ang kanyang imbensyon ay recognized ng International Federation of Inventors’ Association (IFIA) at nakompleto na ang applikasyon sa US Patent and Trademarks office.

Sa ngayon ay naghahanap siya ng investors sa kanyang eco-friendly air conditioner na may budget na $3 million, na hindi gumagamit ng hydrofluorocarbons (HFCs) as cooling agent na nakakasama sa kapaligiran.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento