Top 1 si Jean Ella Marie Taruc Razon, 23, ng San Agustin, San Luis, Pampanga sa June 2022 Physical Therapy Licensure Examination.
Produkto siya ng University of the Philippines Manila Campus, at nakakuha ng rating na 88.05 percent. Nagtapos siya bilang cum laude noong September 6, 2020.
Sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Pagbabahagi niya, “Naging extra blessing na lang po yung makapasok sa Top 10 at maging Top 1.
"I am so happy na proud po, hindi lang kami sa pamilya, kundi pati na rin yung small barrio namin. “Lagi nilang sinasabi na who would have thought na sa isang remote and rural area na kailangan ang bangka for access and transportation magmumula ang Top 1 sa board examination?
“Fortunately, nagbunga po yung lahat nang efforts and nakapasa po. Nakatanggap din daw si Jean ng PHP50,000 bilang gantimpala mula sa kanilang local government unit.
Bata pa lang umano ni Jean ay mahilig na ito sa mga bagay na may kinalaman sa medisina. Aniya, “I was inspired by the TV shows my sisters were watching at that time, like House MD and Grey’s Anatomy.
“And I thought na sobrang cool nila and interesting. That’s one of the reasons kung bakit I took Physical Therapy na rin because it’s medical-related and equally interesting.”
Marami rin aniyang ups and downs ang kanyang buhay-college. “Maraming gabi na umiiyak ka na lang kasi sobrang daming requirements na kailangang ipasa the next day, 'tapos may exam ka pa na hindi mo pa nasisimulang i-review.”
Malaki ayon kay Jean ang pressure and expectations mula sa ibang tao dahil sa UP siya nag-aaral.
“Pag nakapasok ka sa UP, ang tingin sa iyo ay matalino na or exemplary. Pero sa totoo po, pagpasok mo sa UP, makikita mo na you are back to zero.
'Everyone’s smart, but at the same time, lahat nag-i-struggle. "Mostly po sa section namin ay valedictorians and salutatorians nung high school, pero nung nag-UP po, pare-pareho kaming umiiyak sa hirap.”
May mga nakakaligtaan din siyang lectures dahil kapos na sa oras, at nasasakripisyo rin maging ang kanyang pagkain. “Minsan kape, milktea at pancit canton na lang po yung bumubuhay sa amin. At minsan po, idadasal mo na lang talaga yung mga practical exams.”
Aminado si Jean na isa siya sa mga nahirapang mag-review para sa board noong kasagsagan ng pandemic.
“I was forced to study sa bahay, but unfortunately, it became a source of frustration po sa akin because I was really having a hard time focusing and concentrating.“This, in turn, led to me being left behind sa review which further added to my frustrations.”
Na-realize niyang apektado ng pandemya ang kanyang mental health. “After nights of crying, I finally decided to go back to Manila and study there. I stayed in my previous dorm for two months.”
Doon ay nakapag-focus siya at natapos ang review. Pero hindi aniya nawawala ang pressure at pagdududa niya sa kakayahan.
Madalas daw itanong ni Jean sa sarili, “Kaya ko ba? Papasa ba ako? Enough ba yung inaaral ko? What if madisappoint yung parents ko?”
At madalas siyang walang magawa kundi umiyak na lang.“I remember na when things get too overwhelming, I prayed na sana matapos na yung stress, sana maging fruitful po yung lahat ng efforts.
"Na sana, no matter what, maging proud yung family sa akin.”Kuwento ni Jean, up to now ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang Top 1.
“I feel na anytime magigising ako 'tapos isang mahabang panaginip lang po ito. In all honesty, hindi ko po ine-expect na papasa ako kasi sobrang hirap po nung examination.” Umiiyak umano siya habang kumukuha ng exam, at maging nang pauwi at pabalik sa kanilang bahay.
“I said to my parents na if ever hindi ako makapasa, I will try again this December. Fortunately, I was able to pass po.” ng payo ni Jean sa mga gustong kumuha ng physical therapy: “We need you! Haha! We need to educate more people about what physical therapists do. “There are a lot of misconceptions about us na kailangang ma-change. For example, they call us masahista or manghihilot.”
Paliwanag pa niya tungkol sa kanyang kurso, “Yes, we have one lecture about massage during our fourth year, pero PTs perform a wide range of assessment and interventions na hindi gumagamit ng massage.
“Oftentimes, we focus on exercise, movement, and physical activity. Sometimes, nag-e-employ din ng modalities in order to achieve yung goals ni patient.
“I think it is time to break those misconceptions na talaga and to advocate about the roles of a PT in a society.Mahirap aniya ang kurso, pero very fulfilling."
“Kapag naka-handle ka na ng mga patients mo at nakikita mo na silang nakakapaglakad at unti-unting bumabalik sa dati nilang activities, mare-realize mo na worth it lahat ng pagod at puyat sa kaka-review.”
Sa ngayon ay plano munang mag-practice ni Jean bilang physical therapist.“I want to try the academe and hospital setting din po to improve my clinical skills. “Hopefully, after some time, I will get my master’s degree din po.”
0 Mga Komento