Ad Code

Batang tamad mag-aral noong elementary, cum laude sa college at Top 3 sa board exam


Noong bata pa si Jonald Delos Santos Traquiña, wala siyang interes sa pag-aaral maging sa mga school activities.

Nakatanggap nga siya ng failing grade na 74 sa isa niyang subject sa elementary. September 2010 ay nagdesisyon siyang tuluyan nang huminto sa pag-aaral at huwag nang mag-high school.


Kuwento ni Jo (palayaw ni Jonald) sa kanyang Facebook post noong March 26, 2022, “Back then, my parents were so disappointed because they wanted me to finish my education to get a decent job in the future.”

Hindi na umano siya binigyan ng second chance ng kanyang parents. Pero dahil sa pakiusap ng kanyang older brother, binigyan pa siya ng isang pagkakataon kaya nag-enroll siyang muli noong 2011 sa Polillo National High School sa Quezon.


Hindi naman ito sinayang ni Jo, “I promised myself that I would not make the same mistake again.”Makalipas ang limang taon, natapos niya ang high school.
Sa kolehiyo, kumuha si Jo ng kursong Bachelor of Elementary Education sa Southern Luzon State University (SLSU)-Polillo Campus.

Pero nagkaroon ng financial problems ang kanilang pamilya kaya nahirapan ang kanyang mga magulang na tustusan ang kanyang pag-aaral. Nagdesisyon siyang maging isang self-supporting student.

Pagbabahagi ni Jo, “When I was studying in college, I also struggled a lot. “Back then, I was selling cassava chips and yema spread, tutoring three children after my night class so that I could have my own money to support my studies. “I also had to study late at night because I had grades to maintain.”

Halos hindi mabilang ang naranasan niyang sleepless nights. Ilang beses rin siyang nalipasan ng gutom.
Ngunit hindi siya sumuko dahil gusto niyang maibigay sa kanyang parents ang “best graduation gift” sa kanyang pagtatapos.

Akalaing ang batang tamad mag-aral ay naging responsableng anak at estudyante nung nagkolehiyo.
Pagbabahagi niya, “I didn't just graduate with multiple awards for being a student leader, but also with Latin honors.
“Those struggles which I had experienced for the past ten years just to redeem myself were not just struggles for nothing but also blessings from above.” Nagtapos siya noong May 2019 bilang cum laude.


In January 2022, kumuha si Jo ng Licensure Examination for Professional Teachers.Nagtuturo na siya noon sa SLSU kung saan siya nagtapos. Top 3 siya, at may rating na 92.20 percent.

Ani Jo, "Sobrang saya po ng aking pamilya, mga kababayan sa bayan ng Polillo at ng SLSU Polillo.
“Ito ang unang beses na nagkaroon ng LET topnotcher na nagmula sa aming paaralan kaya't napakalaking biyaya ito para sa amin. "Sulit ang dalawang taon na paghahanda at panalangin!”

Aminado siyang nahirapan siya sa pagkuha ng board exam. “Topping the board wasn't easy because I had to deal with pressure and anxiety, and with people's expectations.

“But it also made me stronger. It taught me to overcome my fears by always asking for guidance from above.” Alam ni Jo na may kabataang gaya niya na sa simula ay nakagawa ng mga maling desisyon sa buhay.

Payo niya sa mga ito, “You don't deserve a second chance until you prove it. Don't let your past mistakes be a description of who you are today. “Instead, use them to be better and to prove to others that you are worthy of a second chance.”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento