Ad Code

Anak ng pedicab driver sa Casiguran, Sorsogon, Magna Cum Laude sa UP

Hindi naging hadlang sa 22-anyos na si Micah Gernale Halamani ng Barangay Tulay, Casiguran, Sorsogon ang kanilang estado sa buhay para makapagtapos ng pag-aaral with Latin honor sa isang prestihiyosong unibersidad sa bansa.


Si Halamani ay gagraduate bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines, Diliman sa kursong Bachelor of Science in Statistics sa darating na Hulyo 28, 2022.


Simple ang kanilang buhay sa bayan ng Casiguran kung saan pamamasada ng padyak at pagkakargador sa plaza ang trabaho ng kanyang amang si Salvador.

Panganay si Micah sa apat na magkakapatid at consistent honor student mula elementarya. Nagtapos siya bilang 7th honor sa Casiguran Central School at 2nd honor naman sa High School sa Casiguran Technical Vocational School.

Dahil likas na matalino at masikap, isa si Micah sa mga pumasa sa UP entrance exam kung saan naging scholar pa siya ng Department of Science and Technology (DOST).

Si Micah ay isa sa mga patunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay basta patuloy lang na magsusumikap

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento