Ad Code

"Winners Never Quit" 68-year-old mom from Cainta, pasado sa 2nd take ng bar exam

Pinatunayan ito ni Maria Merlie Vitto Soberano-Selda nang makamit niya ang pangarap na maging isang ganap na abogado.


Kabilang si Merlie, isang 68-year-old mom na mula sa Cainta, Rizal, sa mga pumasa sa 2020-2021 Bar Exam, na ang resulta ay inilabas ng Supreme Court noong April 12, 2022.


Nagpadala si Loren Solas, anak ni Merlie, ng video sa GMA News kung saan makikita ang reaksiyon ni Merlie sa kanyang pagkakapasa sa bar.


Sa video, halatang kabado ang bagong abogada habang hinahanap ang kanyang pangalan sa listahan ng mga pumasa.

Maya-maya ay kumislap ang mga mata ni Merlie, napasigaw ng “Yes!” sabay taas ng kamay bilang tanda ng tagumpay nang makita ang kanyang pangalan.


Naging emosyunal din siya at hindi napigilan ang mapaluha.Ayon kay Loren, ito ang ikalawang pagtatangka ng kanyang ina sa bar exam.Nagsimula aniya si Merlie na mag-aral ng abogasya noong 2012.

Naikuwento rin ni Loren na bago naging ganap na abogada ang kanyang Mama Merlie, Top 9 ito sa chemistry board exam noong 1978.

Una naman itong sumalang sa bar exam noong 2018, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakapasa.

Pagbabahagi pa ni Loren, hindi naging madali para sa kanyang ina ang muling pagkuha ng exam dahil tinamaan ito ng COVID-19 noong isang taon.

Kaya proud na proud siya sa ina. Ang kanyang post (published as is): “God and everyone knows how much blood, sweat, and tears you’ve poured into everything you do, mum, and there was never a day that I doubted that you’ll finally attain your lifelong dream of becoming a lawyer.

“Words cannot explain how proud and how happy I am to see you happy after everything you’ve been through in this journey.
“I look up to you so much, mama, and I am so so so blessed and happy to have you as my mum and as my best friend. You are the smartest, kindest, most hardworking, full of compassion, and dedicated person I know, mama, and I will fight tooth and nail for you!!!

“I love you so much, mama, wait for me, future pañera!!Atty. Maria Merlie Vitto Soberano-Selda, 68 years old, lodicakes, MamaPixel.”


Kumukuha rin ng kursong abogasya si Loren. Nag-update naman si Merlie ng kanyang Facebook profile noong April 12. Ang caption niya sa kanyang larawan: “To God be the glory!

“Atty. Maria Merlie V. Soberano-Selda.” Pinusuan ito ni Loren at nagkomento ng, “Love you, Atty. Mama!”

Nagpasalamat naman si Merlie sa anak at nag-reply ng (published as is): “Loren Solas luv u anak. You are my bar buddy, my strength when i feel down, and most importantly, you review what Netflix films to watch when i’m already sooooo bored studying. (Most important talaga ha) Hehe.

"It seems mas excited and gusto mo pa nga ako unahan alamin kung pumasa ako eh. Luv u sooo much. Maglista ka na ng mga kakasuhan natin. Mura lang acceptance fee ko. Isa-isa ring pinasalamatan ni Merlie ang mga nagkomento at bumati sa kanyang tagumpay."

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento